Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

TOTOO ANG SONA NI PANG. RODY

$
0
0

HINDI makulay. Hindi sirkero. Hindi pantastiko.

Hindi mapangligaw kundi deretsahang pahayag ang unang State of the Nation (SONA) ni Pangulong RODRIGO ROA DUTERTE noong Hulyo 25, 2016.

Taliwas sa mga nagdaang SONA ng mga nagdaan na pangulo na talaga naman ikalalaki ng iyong ulo sa tuwa dahil sa mga nakapaloob na pangako, kay Pangulong RODY ay simple at makabuluhan. Sabi nga sa ingles, very doable!

Mahalaga ang esensiya ng kanyang hiling at pangako sa lahat ng sektor ng lipunang Filipino. Tumulong sa kapwa at paglingkuran ang bansa at sambayanan.

Hindi ito mahirap gawin kung gusto natin ng tunay na pagbabago. Matibay ang kanyang banta laban sa mga tiwaling pulis, sundalo, opisyal at mga tauhan ng mga ahensiya ng pamahalaan.

Gawing mabilis ang serbisyo at huwag paghintayin o parusahan ang taumbayan na may transaksyon sa pamahalaan.

Tatlong araw lang dapat ang pinakamatagal!

Ibababa niya ang bayaring buwis ng mamamayan pati na ang mga corporate institution. Sana, hindi na mandadaya sa pagbayad ng buwis ang malalaking institusyon at mga elitistang negosyante sa bansa.

Hindi katanggap-tanggap na ‘yong iilan na kasama pa mandin sa talaan ng FORBES magazine ay mas maliit ang binayarang buwis kaysa ilang personalidad natin?

Tinalo sila ni Senador Manny Pacquiao?

Ukkinnana!

Tuldukan ang korpasyon at katiwalian sa BIR, Bureau of Customs (BOC) at sa lahat na ahensiya na namumugad ang mga sindikato ng smuggling.

Sa totoo lang, patuloy na naghahari ang mga demonyo sa BOC! Pero Malaki ang tiwala natin kay dating Navy Captain NICK FAELDON bilang bagong Customs Commissioner.

Mabubura kayong lahat na mga buwitre ng Aduana!

Kung patuloy ang panloloko ng sinoman na empleyado ng gobyerno, tawagan si KA DIGONG sa 8888 para direkta ang inyong sumbong kung hindi man, sa pinalakas at ginawang pambansang sumbungan, ang 911!

Kung sisimulan na ang mga proyektong perokaril o tren, kasama ang mga subways at pagpapaluwag pa ng lansangan, maging bantay niya tayo laban sa bagal at tiwaling transaksyon.

Kasama riyan ang pagtitiis natin pansamantala dahil tiyak, babagal muna ang takbo ng buhay natin kapag ang lahat ay ginawa niya.

At payo natin sa iilang kritiko na posturang makabayan daw dahil sa ilang napatay na durugista at tulak.

Manahimik kayo!

Sila yaong mga sangkot sa krimen noon at may datos ang Pambansang Pulisya laban sa mga ito nabago gawin ang krimen nila, “bumabatak muna” para mawala ang takot nila!

Yaong mga nagsabing pangit ang SONA dahil hindi mabulaklak tulad ng nagdaan, mas kapani-paniwala ang mensahe ni PANGULONG DUTERTE dahil mula sa kanyang puso ang lahat ng kaniyang sinabi! BALETODO/ED VERZOLA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Inggit Quotes and Kabit Quotes – Tagalog Patama Quotes


PreSonus FireBox - handly interfaccia


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tropa Quotes


Top 10 Best Tagalog Friendship Quotes and Sayings | mrbolero


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.5.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.


PreSonus FireBox - handly interfaz de


Tagalog Quotes About Crush – Tagalog Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


5 Tagalog Relationship Rules


Re: lwIP PIC32 port - new title : CycloneTCP a new open source stack for...


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.5.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>