Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

SONA MULA SA PUSO AT SUGAL ‘GO’ SA MASBATE

$
0
0

HINDI natin nakaugaliang purihin ang sinomang opisyal ng pamahalaan sa anomang bagay na kanilang sinasabi o ginagawa.

Dahil halos alam na natin, parekoy, na panay papogi lang naman ang kanilang ginagawa o ingina ngakngak. Ika nga, eh, puro wento ala namang wenta!

Ngunit dito sa unang State Of the Nation Address (SONA) na ipinahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte ay biglang nagbago ang ating pananaw.

Dahil sa totoo lang ay ramdam natin ang katapatan ng kanyang mga sinasabi. At sino ang makapagsasabi na hindi tapat sa kanyang mga salita ang Pangulong Duterte?

Tingnan na lang natin ang isyu sa iligal na droga kung saan ipinangako niya noong kampanya na lilinisin ito sa loob ng tatlo hanggang anim na buwan.

Hindi ba’t marami ang nagtaas ng kilay noong binanggit ito ni Duterte?

Aba’y, sa takbo ng kasalukuyang kampanya kontra sa iligal na droga, mapagtatanto, parekoy na pagkatapos ng anim na buwan, kung may matitira mang droga ay yaon lamang ligal na mabibili sa mga botika!

Hak, hak, hak!

Lipol ang mga hijo de-puta!

Sa totoo lang, parekoy, dahil sa nararamdaman nating dedikasyon sa kanyang mga adhikain at katapatan sa kanyang mga sinasabi ay walang pag-aalinlangan tayo na matutupad ang karamihan kung hindi man lahat ng sinasabi ni Pangulong Duterte.

Dahil mararamdaman, parekoy, ang kaibahan ng mga pananalita ni Duterte kung ihahambing sa mga nagdaang Presidente.

Mula sa puso ika nga!

Alin? Ang mga SONA nina dating Pangulong Cory, Ramos, Estrada, Arroyo at Noynoy Aquino?

Puro kaplastikan . . . kamukha nila! Hak, hak, hak. Pwe!

-o0o-

Dati na nating isinulat ang tungkol sa hinaing ng ilang pulis sa Camp Bonny Serrano sa Masbate laban sa ilang miyembro ng POSDAC (Provincial Organization for Socio-Development Against Crime) na nasa ilalim ng tanggapan ng gobernador.

Dahil may mga pagkakataong nag-o-operate umano ang POSDAC kahit walang kasamang pulis. At pagkatapos ay saka lang dadalhin sa istasyon para pulis ang magsampa ng kaso laban sa kanilang mahuhuli.

Paano nga naman kung wala sa tamang proseso ang naganap na panghuhuli?

Isa pa sa posibleng pagmulan ng hindi magandang relasyon sa POSDAC at ilang opisyal ng pulis sa Masbate Provincial Command ay ang isyu sa iligal na sugal.

Dahil kasalukuyan na umanong kinakausap ng ilang taga-POSDAC ang mga GL para ma-centralize ang collection o “tongpats.”

Eh, paano nga naman sina Major? Hek, hek, hek! Siya nga pala PD S/Supt. Sampaga, alam mo na po ba ito? BURDADO/JUN BRIONES


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Lagarto para colorear


5 Tagalog Relationship Rules


Top 10 Best “Single” Tagalog Love Quotes


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Best Papa jack Love Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Tagalog Quotes – Inggitera Quotes and manloloko quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Tropa Quotes


INUMAN QUOTES


Long distances monthsary message tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Mothers Day quotes tagalog


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>