KONTING pera lang daw ay napakahirap na ma-refund ang sobrang naibayad ng mga estudyante sa sa Southern Luzon State University.
Ito ang sumbong mga estudyante na napagkalooban ng scholarship ni Gob. Suarez na nag-aaral sa nasabing kolehiyo.
Dapat ay paimbestigahan ni Gob. Suarez ang katulad na mga college na umiipit sa sobrang naibayad ng mga estudyante.
Basahin natin ang nilalaman ng reklamo.
Si Gov. Jayjay Suarez po ay nagbigay ng P3,000 per sem para sa college students.
Bale P6,000 para sa 1 year scholarship at sa bayaran po nila per sem ibabawas ang P3,000.
May natitira pa po at sobrang tagal bago ipa-refund ng Southern Luzon State University (SLSU).
Magpapasukan na, e, hindi pa raw po inilalagay ang refundable nila.
Noong last sem scholarship, ang sabi ng iskul, kailangan nilang kumuha o mag-open ng ATM worth P200 para roon ilalagay ang natitirang P3,000 pero up to now na magpapasukan na, e, wala pa!
Palagi po ganun na ‘pag me tira roon sa perang bigay sa scholarshp ni Gob, hindi agad napabibigay.
Nakausap ko po ang Congresswoman na si Dra. Helen Tan na nagsabing sila raw po sa government, ‘pag nagbigay ng scholarship, e. buo.
So ang me problema po ay ang skul. Imbes na magamit ang refundable allowance para sa renta ng bahay, e, pinipigil po nila!
Sir Johnny, maaaksyunan kaya ito ni Gob sa pamamagitan ninyo? Sana ay maiparating ninyo ito sa kanya.
Maraming salamat po!!! God bless.
PAIHI NINA NIÑO SA BULACAN, PADER KAY PD
Simula nang maupo bilang bagong Bulacan Provincial Police Director si S/Supt. Romeo Caramat, Jr. ay mas lalong naging talamak ang ginagawang pagnanakaw ng produkto ng petrolyo o paihi ng grupo ni Niño na binubuo nina Dennise, Uding at isang alyas Ruel sa buong lalawigan ng Bulacan.
Tila namamantikaan na rin ng mga paihi operator na ito si Supt. Caramat kaya walang ginagawa ang mamang pulis na ito.
Iyan ba ang sinasabing “change is coming’ ni PNP chief Director Genaral Ronald “Bato” dela Rosa?
oOo
Anomang puna o reklamo i-text sa 09189274764,09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA