Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

TRANSPLANT KAILANGAN SA PAGBABAGO

$
0
0

SIMULA nang maupo sa pwesto si Pangulong Rodrigo Duterte, umaatikabong giyera ang agad nitong inilunsad laban sa iligal na droga at gaya ng inaasahan, naging madugo ang ikinasang giyera ng Philippine National Police (PNP) laban sa mga druglord, drug addict at pusher ng illegal drugs.

Armado kasi at may mga death squad ang karamihan sa mga sindikato, kaya ang operasyon ng pulisya ay nauuwi sa pagkasawi ng mga hinihinalang tulak.

Sabi ni Quezon City Police District Director SSupt. Guillermo Lorenzo Eleazar, ang problema ng droga sa bansa ay maihahalintulad sa sakit na kanser at gaya ng kanser na isang malalang sakit, ang problema ng droga ay malala na rin sa bansa.

Kaya naniniwala si Eleazar na kailangan ang kamay na bakal at walang sasantuhin na mga tulak at mga addict na manlalaban kapag silay inaaresto. Magkagayunman, bago sinimulan ni Eleazar ang pakikibaka sa mga tulak at user ay nagsagawa muna siya ng internal cleansing mula sa hanay ng pulisya na kanyang hinahawakan.

In short, pinalitan niya ang mga pulis na nasa pwesto, lalo na ‘yung maituturing na nasa “frontline” ng laban sa droga. Sa pamamagitan nito, ayon kay Eleazar ay magagamot ang sakit na maituturing na isang transplant. Ang sabi pa ni Director Eleazar, “Ang asset ng PNP ay tao, kami at mga tao namin. Kung malubha na ang sakit at nagkahawa-hawa na, dapat palitan na ang mga tao, kinakailangan kasing alisin ang mga nabigong tumupad sa tungkulin para palitan ng mas aktibong mga tauhan at opisyal na magseseryoso sa laban kontra droga”.

Isang patunay, mga pare ko, sa ginagawang paglilinis ni Dir. Eleazar ang nangyari noong July 27, 2016. Sinibak niya ang 88 tauhan ng Anti-Illegal Drug Units ng QCPD, alinsunod na rin sa rekomendasyon ng mga station commander. Sinibak din niya ang 53 tauhan na bumubuo sa Anti-Illegal Drugs ng QCPD Station 6 at noong July 1, tatlumpu’t lima ang kanyang inalis at inilipat sa Mindanao.

Tinutupad lamang ni Eleazar ang mandatong iniatang sa kanya, at ito raw ang kanyang mas magagampanan kung sa mismong hanay nila ay may nagaganap ding pagbabago, lalo pa’t ang sinasandalang prinsipyo ng kasalukuyang administrasyon ay ang pagsusulong ng tunay na pagbabago.

Bagama’t masakit para sa kanya ang pagsibak sa kanyang sariling mga tauhan, hindi siya maaaring makaramdam ng demoralisasyon, lalo pa’t kontaminado na rin ng droga ang hanay ng pulisya. ‘Yan po si Director Eleazar.

TULOY-TULOY ANG LOTTENG SA BULACAN

Namamayagpag pa rin ang operasyon ng ilIgal na pa-lotteng nitong si Marivic na mas kilala sa tawag na “Lotteng Queen”sa mga bayan ng Marilao, Bocaue at Sta Maria, Bulacan. Hindi hinuhuli kahit lantaran na nagpapataya sa malapit sa munisipyo at istasyon ng pulisya.

Malakas at hindi ginagalaw ng mga alkalde at kapulisan ang iligal na sugal dahil sa ipinamamalita ni Mari-vic na may timbre siya sa mga ito. Ano ba ‘yan, Bulacan Gov. Wilhelmino Alvarado, baka mayroon din kayong ‘timbre’ kay Marivic?

***
Anomang puna o reklamo i-text sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Lagarto para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>