NAANYAYAHAN tayo sa isang media forum ng isang kaibigan kamakailan. Kilalang mga personalidad ang panauhin. Mga politiko at manunuri ng lipunang Filipino.
Marami ang isyu na tinalakay pero nasundot tayo ng usapin tungkol sa sistema ng partylist sa Kongreso.
Sabi ng mga panauhing politiko, hindi raw malinaw ang nakasaad sa 1987 Cory Constitution ukol sa partylist system. Aba naku, tumindig ang balahibo natin sa sinabi ng dating senador at dalawang kongresista na ang isa sa kanila ay mula sa partylist!
Ang linaw ng Cory Constitution.
Ang partylist ay para lamang sa tinatawag na maralitang sektor o marginalized sector.
Wala sila – maralita, manggagawa, magsasaka, mangingisda, kababaihan, katutubo, may kapansanan at kapus-palad.
Sa ngayon, naghahari ang mga bastardong politiko at mayayaman sa Kongreso. Binaboy nila at binastardo ang ating Saligang Batas.
Tinarantado nila, kasabwat ang mga kapwa politiko mula sa ibaba hanggang sa mataas na lebel. Kasabwat din nila ang mga demonyo sa Comelec kaya lahat ng luho nila ay nasunod!
Kaya tama lang si PANGULONG RODRIGO ROA DUTERTE na wasakin ang kasalukuyang sistema ng pulitika at Kongreso.
Gawin na lamang na parliamento na anomang oras ay madaling sibakin sa pwesto ang mga abusadong opisyal! At huwag magkamali ang mga bastardo na sumira at patuloy na sumisira sa Konstitusyon.
Sadyang alam din ng mga mambabatas na maraming mali sa kasalukyang 1987 Constitution dahil na rin sa postura nito na batbat ng paghihiganti ng mga Cojuanco-Aquino kontra mga Marcos.
Suriin ninyong mabuti ang 1987 Constitution at malinaw ninyong makikita ang banggaan ng nagdaang pulitika ng mga Marcos at Aquino.
Maraming bawal. Maraming sarado, lalo na sa ekonomiya dahil nakatutok ito sa mga dating crony ng diktadurya.
Sana nga lang, kung mula Kongreso tungo sa parliamento ay mawawala na ang mga batas na kayang paikutin ng mga mambabatas sa sandaling masangkot sila sa mga iligal na gawain.
Huwag nang payagan ang bahagi ng kanilang kinathang batas ng, “provided however… provided by law…” Kagaguhan!
Naranasan natin ang kanilang pagiging bastardo. Pwede silang mag-imbestiga pero hindi sila pwedeng imbestigahan! Pwede silang manira ng sinomang kalaban sa pulitika dala ang bastardong kalasag na “parliamentary immunity..!”
Dapat itong mawala sa lahat ng probisyon. Dapat na magkaroon agad ng CONCON (Constitutional Convention) na dudurog sa mga abusadong politiko na bastardo ng 1987 Constitution! BALETODO/ED VERZOLA