Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

KAPAYAPAAN IPAGLABAN

$
0
0

NAKAPANGHIHINAYANG na hindi natugunan agad ng New People’s Army ang panawagan ni Pangulong Rodrigo ‘Digong’ Duterte para sa kabilaang ceasefire sa digmaan.

Matatandaang unang nagdeklara si Pang. Digong ng tigil-putukan laban sa NPA sa araw mismo ng kanyang State of the Nation Address subalit binawi ito dahil sa isang ambus na ginawa ng mga rebelde sa isang grupo ng mga armadong pwersa ng pamahalaan sa Davao del Norte.

Nagbigay ng palugit ang Pangulo para sa pagpapaliwanag ng mga rebelde sa pangyayari hanggang alas-5 ng hapon kamakalawa subalit nabigo pa ring tumugon ang NPA.

Sa kabilang banda, sinabi ng NPA na nagsagawa umano ng operasyon ang mga pwersa ng pamahalaan sa kabila ng kautusan ng ceasefire ng Pangulo at nagdepensa lang umano sila ng sarili.

Sa huli, sinabi ni Joma Sison na naunahan lang naman daw sila ni Pangulong Rodrigo ‘Digong’ Duterte dahil alas-8 sana kamakalawa ng gabi ang pagdedeklara rin ng NPA ceasefire o tatlong oras bago binawi ni Pang. Digong ang unilateral ceasefire.

MAY PAG-ASA

Sa gitna ng mga pangyayaring ito, mukhang hindi pa naman mauuwi sa wala ang mga intensyon at hakbang tungo sa usapang pangkapayapaan na ang ceasefire ay isa lang sa mga nilalaman nito.

Wala pa namang ibang binabawi si Pang. Duterte sa mga naging hakbang nito sa kagustuhan nitong mawakasan na ang digmaang kumitil na ng nasa 30,000 katao simula noong Marso 29, 1969 na pagkakatatag ng NPA.

Ang kasamang binawi lang sa ceasefire ay ang mga patakaran kung paano ipatutupad ang ceasefire at normal naman ang kautusang tuloy ang pakikipagbakbakan ng mga pwersang pamahalaan sa NPA.

Kabilang sa malilinaw na hindi binabawi ng Pangulo habang tinitipa natin ito ay ang nakatakdang pag-uusap sa pagitan ng mga rebelde at pamahalaan sa Oslo, Norway para sa usapang pangkapayapaan.

Hindi rin binabawi ng Pangulo ang appointment ng mga nominado ng makakaliwang grupo sa ilang matataas na pwesto ng pamahalaan.

Kaya naman, may pag-asa pang matutuloy pa rin ang paghahanap ng daan tungo sa kapayapaan at pagkakaisa ng magkabilang panig.

Talagang may mga hindi lang maiiwasan na pangyayari o pagkakamali na normal ding nagaganap kahit sa anong ginaganap na bagay tulad ng usaping ito.

NANATILING NAKAKAPIT

Isa pa sa mga tinitingnan natin na malaking posibilidad pa rin ng pagkakaroon ng pagkakasundo-sundo ang malaking kagustuhan ng liderato ng Communist Party of the Philippines, National Democratic Front at NPA para rito.

Inilalabas nila ang kaibahan ng Pangulo sa ibang nagdaang mga Pangulo na kaiba talaga sa interes ng masa at bayan ang dala-dala.

Ang Pangulo ngayon, sa tingin nila, ang makatutugon kahit man lang sa mga panimulang hakbang tungo sa pagbabago sa lipunan na nais nilang mangyari.

‘Yun bang === malaki ang pagkiling ng kasalukuyang Pangulo sa milyon-milyong mahihirap na ipinaglalaban din umano nila.

Kalakip ng pagkiling sa milyon-milyong mahihirap ang paggiba sa patakarang End of Contract na pinaiiral ng mga ganid at mapagsamantalang kapitalista laban sa mga obrero at malaking dahilan ng paghihirap ng mga ito.

Naririyan din ang pagtutuwid sa mga mapanira at iligal na pagmimina na may kakambal na militarisasyong higit na proteksyon sa mga minero kaysa sa proteksyon ng mga mamamayan at kalikasan.

Nagpapakita rin ang Pangulo ng matatag na paninindigan laban sa pakikialam ng mga dayuhan sa pamamahala sa bansa.

Kaya sa paniniwala natin, nakakapit pa rin ang kabilang grupo sa paniniwalang walang dahilan upang hindi matuloy ang pagkakasundo-sundo at makamit ang permanenteng kapayapaan para sa buong bayan.

POSPORO AT GASOLINA

Talaga namang sa mga panahong ito, parang magkatabi lang ang posporo at gasolina. Ang rebolusyon o giyera ay parang gasolina na madaling magliyab.

Ngayon ay nagpapahinga ang rebolusyon o giyera sa kabila ng problema sa ceasefire.

Sana naman, lahat ay hindi humawak ng posporo at lalong hindi gumawa ng pagkiskis at itapon sa gasolina ang may apoy na posporo.

Sabi nga mismo ni Digong: Habang nagbibilangan ang magkabilang panig ng mga patay sa isa’t isa, ang nakikita niya ay ang kaawa-awang kalagayan ng mga balo at ulila at ang bansang matagal nang naghihirap dahil sa digmaan.

Dagdag pa niya, kung hindi man magawa ng magkabilang panig na magmahalan sa ngayon, hindi naman sana umiral ang pagkamuhi nang labis sa isa’t isa.

KAPAYAPAAN SUPORTAHAN

Ang ibig lang sabihin ng lahat ay ang panawagan sa ating sarili na hindi tayo maging hadlang sa pagkakaisa, pagkakasundo-sundo, kapayapaan at malawakang pagbabago.

Iwasan din natin ang pagsisindi ng posporo at ihagis ito sa gasolina ng rebolusyon upang magliyab nang magliyab ang patayan sa isa’t isa.

Sapat na sanang mamayapa ang 30,000 napaslang sa digmaan at ang higit na maraming mamamayang naghihirap at nawawalan ng kinabukasan dahil sa rebolusyon.

oOo
Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o i-text sa 09214303333. ULTIMATUM/BENNY ANTIPORDA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Mothers Day quotes tagalog


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Lagarto para colorear


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Best Papa jack Love Quotes


Love Quotes Tagalog



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>