Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

DU30 8888 at 911-LINGKOD MASA

$
0
0

SA tagal ng panahon, sa rami ng nagdaan na administrasyon, hindi na kayang bilangin ang reklamo at sumbong ng mamamayan laban sa krimen, pang-aabuso, pati na katiwalian at korapsyon laban sa mga sangkot at namumuno sa ating bayan.

NGAYON, narito ang isang taga-Mindanao na nakaisip kung papaano bibigyan ng boses at lakas ang taumbayan. ‘Yun bang walang takot.
‘Yung walang alinlangan na baka sila ay paghintayin, paasahin na lulutasin ang kanilang sumbong o hiningi na tulong.

HINDI na po mangyayari iyan. Sa bisa ng utos ni dating Davao City Mayor at ngayon ay PANGULONG RODRIGO ROA DUTERTE, simula ngayong Agosto 1, ang dati na PNP Patrol 117 ay pinalawak na ni KA DIGONG tungo sa Emergency 911!

Emergency 911 po ang ating tatawagan sa lahat ng uri na hihingin nating tulong. Krimen, sunog, aksidente at mga kauri na problema ay agad nitong matutugunan sa pinakamabilis na oras.

Noon ang Patrol 117 ay pang-Metro Manila lamang. Pero ngayon, ang Emergency 911 ay ginawa nang pambansa! Bahagi ito ng prayoridad ni Pangulong RODY para matiyak na tagumpay ang kanyang paglilingkod, lalo na sa sektor ng masa!

Mahigpit ang tagubilin ni PANGULONG DU30 kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary ISMAEL “MIKE” SUEÑO – tiyakin na ang serbisyo ng Emergency 911 ay pakikinabangan nang husto ng sambayanan sa oras ng kanilang pangangailangan!

Kaya naman hindi nagsayang ng oras si Secretary SUEÑO. Araw-araw na kapulong niya ang mga opisyal ng pamahalaan at pribadong sangkot para matiyak ang disimuladong serbisyo ng pamahalaang DUTERTE. “Huwag biguin ang masa sa kanilang kailangan na tulong!”

Sa usapin ng KATIWALIAN at KORAPSYON, nagtakda rin si Pang. Duterte ng SUMBUNGANG BAYAN 8888. Ang numerong iyan ay para lang sa dalawang isyu ng maling serbisyo at pagnanakaw ng mga tauhan ng pamahalaan. Huwag tayong magkamali sa Emergency 911 at 8888.

BABALA. Huwag nating paglaruan ang dalawang LINGKOD MASA HOTLINE. Huwag kayo magbibiro o manloko ng tawag dahil sandali lang ay matutunton na kayo sa bisa ng ginamit na teknolohiya ng DILG-NTC.

Ang DU30 8888 at EMERGENCY 911 ay mahalaga sa ating lahat. 24 oras ang operasyon na gagampanan ng Pambansang Pulisya, Bureau of Fire, BJMP at DOH, kasama ang mga pribadong sangkot sa emergency services.

Huwag na huwag natin paglaruan ang mga numero. Malay mo, kapag nilaro o niloko mo, buhay pala ng iyong mahal sa buhay ang nasa bingit ng kamatayan! BALETODO/ED VERZOLA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Best Papa jack Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>