WALANG-ALINLANGAN na matututukan na ni Sec. Mark Villar ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang programang imprastruktura ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Nag-resign kamakalawa si Villar bilang halal na representante ng Las Piñas sa 17th Congress upang tugunin ang “tawag na tungkulin” sa DPWH.
Prayoridad ng Duterte administrasyon ang konstraksyon ng kalsada, kabilang na ang “tourism highways”, para i-promote ang international at domestic tourism.
Wala namang naiulat na pumalag sa isinagawang hakbang ni Villar dahil inatasan ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang kabiyak ng kalihim na si DIWA Party-list Rep. Emmeline Aglipay-Villar bilang “caretaker” ng congressional district.
Walang dahilan para ipagmaramot ng Las Piñas constituents ang husay sa paglilingkod ni Villar sa sambayanan bilang DPWH chief.
Nagagalak ako at nasa mabuting kamay ang DPWH. Nagtitiwala ako na maisasakatuparan ni Villar ang malawakang imprastruktura na magpapalawig ng negosyo sa buong kapuluan.
***
Magpapayabong sa turismo ang infrastructure program ng pamahalaan.
Ang mga gagawing highway, mga kalsada at mga tulay ay magsisilbing gateway at access roads tungo sa mga tourist destination sa buong kapuluan.
Ang turismo ay isa sa mga pangunahing industriya sa bansa ngunit hindi naramdaman ng mga mahihirap ang mga benepisyo ng pagdagsa ng bisita sa mga atraksyon.
Ang layon ng Department of Tourism ngayon ay palawigin ang turismo at maibahagi ang mga benepisyo sa lahat ng stakeholder ng travel and tourism sector.
Sana’y iyan nga ang mangyari sa darating na pag-host ng bansa sa darating na Miss Universe pageant.
Tiyak na daragsa ang mga turista at mga media mula sa mahigit 100 bansa para mapanood ang Miss U events na isasagawa sa Maynila, Cebu, Palawan, Boracay, Cagayan de Oro, Bohol at Vigan.
***
Welcome po ang inyong mga reaksyon, opinyon at reklamo. I-email lamang po sa etulfo2011@yahoo.com o bisitahin n’yo kami sa Erwin Tulfo Action Center sa 2nd Floor, Quedsa Plaza, Quezon Ave. cor. EDSA, Quezon City, 9am-4pm Monday-Friday. DEADSHOT/ERWIN TULFO

