Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

NARCO-POLITICS AT HONORABLE DRUGLORD

$
0
0

MARAMI ang nakukunsumi sa kung ano umano ang pakahulugan ng narco-politics.

Ang narco-politics ang pinagdidiinang durugin sa pinakamadaling panahon ni Pangulong ‘Digong’ Duterte upang hindi “masira ang mga kabataang Pinoy at ang buong bayan.”

ANG ADIK

Magandang simulan ang usaping ito sa pagsubaybay sa buhay ng mga adik, lalo na kung naka-high ang mga ito o nakabatak na.

Sa rekord ng pulisya, maraming kaso ng pagpatay ng mga adik ang pagmumukhang demonyo umano ng kanilang kaharap kaya pinapatay ito.

May nag-uutos naman umano sa kanila na pumatay. Dahil praning sa droga, nagwawala ang adik at maaaring siya ang mapatay o makapatay ng kabahay o kapitbahay.

Nagiging manyak na rin ito at wala nang sinisino na biktima: kapatid, matanda, kapitbahay at mga ninanakawan niya.

Kung naging taksi driver pa ‘yan, maging ang pasahero ay nire-rape na matapos na holdapin ito.

Sa madaling salita, mga Bro, nasisira ang utak ng adik at kung ano-ano na lang ang sumisiksik sa kukote nito.

MAGNANAKAW

Mayaman o mahirap, kapag naadik na ang isang tao sa droga, lalo na shabu, cocaine at iba pa, at hindi na makayanan ng kanyang bulsa para ipagpatuloy ito, anak ng tokwa, magnanakaw na ito maging sa loob ng kanyang bahay.

Ang adik na anak, nanakawan ang kanyang magulang at kahit pambili na lang ng bigas o gamot ay ninanakaw na nito.

‘Pag walang makuha sa loob ng bahay, manghoholdap na ‘yan, mang-aakyat-bahay, mangangarnap at iba pang gawain.

SINDIKATO

Sa rami ng mga adik sa paligid na nagkakakilala at nagkakaalaman, mga Bro, hindi na lang sa pagiging adik hahantong ang isang tao kundi sa pagiging pusher.

Dito na nabubuo ang mas matinding utak kriminal dahil pagkakakitaan na ang droga sa kabila ng malinaw na pagkasira ng pagkatao ng isang mamamayan.

Wala nang pakialam ang mga adik at pusher sa mangyayari sa mabibingwit nila na magiging adik at pusher din.

MAS MALAWAK

Sa pagiging adik-pusher ng isang tao, lalong lalawak ang kanyang koneksyon.

Maaaring isang mataas na opisyal ng barangay ang kanyang magiging suplayer hanggang aabot ito sa mga pulis.

Maaaring hanggang isang mayor o gobernador na ang kanyang bosing. At aabot na sa mga chief of police hanggang sa mga heneral ang koneksyon nito.

ISANG LARAWAN

Sa ngayon, isang halimbawa ng narco-politics ang ibinibintang kay Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa.

Sa narco-politics, kontrolado na ng mga politiko ang gobyerno at magagawa na nila ang gusto nila na pagpapalawak o pagpapalaganap ng droga.

Bukod sa pagiging sarili nilang armado ang mga pulis at militar, may sarili ring mga armado ang mga ito.

Gaya ng sinasabing mga tauhan ni Espinosa na napatay ng mga pulis kamakailan at ang mahigit 100 niyang tauhan na armado.

MAS MATINDI

Mas matindi ang narco-politics kung isasama na sa usapan ang mga heneral ng pulis at militar na sangkot sa droga. At lalong titindi kung mismong mga taga-Kamara at Senado ang sumawsaw sa problema sa droga.

‘Yun bang === kung may mga kampihan at kontrahan na sa mga imbestigasyon.

Kung may mga takipan at tangkang paglilinis na ng mga matataas na opisyal ng pamahalaan na isinasangkot sa salot.

KONTRA-BITAY

Isa sa matinding palatandaan ng narco-politics ang pagkontra o pagbuo ng batas para sa parusang bitay.

Sa kabila ng mga krimen ng nagaganap dahil sa droga, may mga kumokontra sa parusang bitay.

Ayon sa mga may gusto ng parusang bitay na tatama sa mga sangkot sa droga, kakampi ng mga druglord at protektor ang kokontra sa parusang bitay.

Mariin namang itinatanggi ito ng mga anti-bitay. Isinasalang sa Kongreso ang panukalang parusang bitay bilang epektibong tugon laban sa droga at isa itong parusa anoman ang katwiran ng mga anti-bitay.

Kapag nagtagumpay ang mga anti-bitay, tiyak na magbubunyi ang mga nagpapalaganap ng droga at sumisira sa buhay ng mga kabataan at buong bayan.

HONORABLE DRUGLORD

Sa ngayon, hindi lang mayor kundi gobernador, kongresman at posibleng senador ang pinaniniwalaang may konek sa salot na droga.

At ang nakatatakot, napalilibutan ang mga ito ng mga armado ng pamahalaan na pulis at milirar bilang mga badigard.

Dumarami rin ang bilang ng mga abogado, piskal at huwes na nasasangkot sa droga.

Kapag pinagsama-sama ang mga ito, naririyan na ang nakatatakot na pamahalaan ng mga druglord na kung tawagin ay narco-politics.

oOo
Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o i-text sa 09214303333. ULTIMATUM/BENNY ANTIPORDA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Two timer Sad tagalog Love quotes


Tagalog Love Quotes 2014 – Best Online Collections


Tagalog God Quotes to inspire you


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.18.0 by Vimeo Inc


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 11.8.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC


Top Tagalog Love Quotes Online Collections


Mga Patama Quotes and Banat Tagalog Love Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Vimeo 3.17.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.19.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Sunny Hill - Once In Summer 2014



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>