IPASASARA ang lahat ng mga pasaway na mining companies na hindi sumusunod sa inilatag na environmental rules, ito ang naging banta ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga pasaway na minero.
Aba’y kayang-kaya nga naman na mabuhay ang Pilipinas kahit walang buwis mula sa mga minahan.
“I can forego the P40-billion I collect from you, and the Filipinos will survive without you.
“Either you follow strict government standards or you close,” ani ng Pang. Duterte.
Hindi nagkamali si Pang. Duterte sa pagkakatalaga niya kay Gina Lopez bilang Environment Secretary dahil sa may krusada itong ipinaglalaban para sa kapakakanan ng kapaligiran at kalikasan ng bansa.
Nagalak nga si Pang. Duterte nang tanggapin ni Lopez ang alok niya na pamunuan ang Department of Environment and Natural Resources (DENR).
“She is not incompetent, she is a bright lady. She is simply a crusader,” pagmamalaki pa nito.
Kung tutuusin, si Lopez ay kilalang environmentalist na nasa likod ng iba’t ibang mga proyekto na may kinalaman sa pagsasaayos ng ating kapaligiran.
Gusto ng kalihim na tutukan niyang mabuti ang DENR para maisaayos niya ang mga likas na yaman na sinira ng mga gagong mga mining firm na kung saan ang bansa ang siyang pumapasan sa mabigat na pinsala mula sa kamay ng mga minero.
Sa ngayon, ayon kay Pang. Duterte, magiging mahigpit na ang kanyang pamahalaan sa pagbibigay ng permit sa mga nasa mining industry dahil sapat na ang ginawa nilang pagpapasasa sa maraming taon na namamayagpag sila.
MGA VK FRONT NG BENTAHAN NG DROGA
Patuloy pa rin ang operasyon ng mahigit sa 100 unit na vide-karera nitong si Rico ng Tanay, Rizal sa Calamba, Laguna sa kabila ng mahigpit na kampanya ng Pilippine National Police (PNP) laban sa malawakang bentahan ng droga sa bansa.
Napag-alaman pa sa isang source na ang mga VK na ino-operate nitong si Rico ay nagsisilbing ‘front’ ng malawakang bentahan ng droga dahil magdamagan daw na nagbi-VK ang mga player na halos walang tulugan kung sila ay magbabad.
Walang aksyon sina Laguna PD Supt. Joel Pernito at Calamba cop Supt. Fernando Ortega kahit front ng bentahan ng tobats ang mga ito.
oOo
Anomang puna o reklamo, i-text sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA