Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

RESPETO AT DISIPLINA

$
0
0

pakurotBAGAMAN hindi naupo bilang officer-in-charge (OIC) ng Manila Police District (MPD) itong si Sr. Supt. Ronaldo Estilles, Deputy Director for Operations, ay wala itong  sama ng loob sa napisil na pumalit sa nagretirong district director na si Chief Supt. Alejandro Gutierrez.

Sa halip, itinuturo ni Estilles sa mga opisyal at tauhan sa kanyang nasasakupan na tulungan ang OIC na si Sr. Supt. Robert Po upang ayusin ang kapulisan.

Patunay lang ito na maganda ang pagpapalaking ginawa sa kanya ng kanyang mga magulang. Natanim sa kanyang isip at puso ang respeto sa kapwa habang natutunan naman niya sa Philippine Military Academy  (PMA) ang tamang disiplina.

Kaya naman, patuloy na sinisikap ni Estilles na bigyang-aral ang mga pulis ng MPD kaugnay sa tamang pag-uugali at disiplina upang hindi nila tahakin ang balikong landas.

Sa flag raising tuwing Lunes, ipinapasok ni Estilles ang mga paraan para sa moral enhancement ng mga pulis nang sa gayon ay muling manariwa sa isipan ng mga ito ang kagandahang asal. Ipinatutupad ang Police Information Continuing Education (PICE) at higit sa lahat ang CODE P ni Philippine National Police chief Dir. Gen. Alan Purisima.

Higit na binibigyang-halaga ng pamunuan ng MPD ang propesyonalismo ng bawat miyembro dahil ito ang daan upang mas lalo nilang palakasin ang kanilang hanay sa pagbibigay ng maayos at magandang serbisyo sa mga mamamayan. Dapat lang naman na hindi masayang ang buwis ng taumbayan na siyang isinusuweldo sa mga alagad ng batas.

Subalit hindi ito nangangahulugan na hindi na inaasunto ng MPD ang mga pulis na gumagawa ng mali sa mga mamamayan o maging sa kanilang tanggapan. Sa madaling salita, pinarurusahan ang mga abusadong pulis, nangongotong na pulis, at higit sa lahat ay ang mga pulis na pumapasok lang kapag a-15 at katapusan ng buwan.

Maganda ang vision ni Estilles para sa MPD hindi man siya ang naging OIC. Nais at hangad pa rin niya ang kabutihan ng lahat at kaayusan ng mga lugar na nasasakupan nila.

Maging ang district chaplain na si Supt. Rev. Fr. Victorino Bilangdal ay hindi sumusuko sa pagbibigay ng magagandang mensahe at aral sa mga pulis ng MPD upang hindi maligaw ng landas ang mga ito.

Kaya lang, meron talagang mga pagkakataon na naliligaw ng landas ang mga pulis bunga ng hindi inaasahang pangyayari. Subalit dapat lang talaga na maparusahan ang mga ito upang hindi na pamarisan.

Nais ba ninyong ibahagi ang inyong karanasan sa opisyal at tauhan ng pulisya o pamahalaan at pribadong indibidwal? Maaari kayong mag-text sa 09215175814 o mag-email sa Santi_lean11@yahoo.com


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Top 10 Best “Single” Tagalog Love Quotes


Vimeo 3.17.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.19.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.21.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.8.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Tropa Quotes


INUMAN QUOTES


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 3.20.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 3.18.0 by Vimeo Inc



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>