Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

PARANG INSTANT COFFEE

$
0
0

SABADO ng umaga nang iprisinta ng Manila Police District (MPD) sa mga mamamahayag ang road rage suspect na si Vhon Tanto matapos itong ihatid ng mga elemento ng Region 5 Police Provincial Office mula sa Masbate kung saan ito nagtago mula nang patayin ang biker na si Mark Vincent Geralde noong Hulyo 25, 2016 sa Quiapo, Manila.

Dumalo sa press conference sina Philippine National Police (PNP) Chief Dir. Gen. Ronaldo “Bato” dela Rosa, National Capital Regional Police Office (NCRPO) Director Chief Supt. Oscar Albayalde, Department of Justice (DOJ) Secretary Vitaliano Aguirre II at Public Attorney’s Office (PAO) chief Atty. Persida Rueda Acosta.

Mismong si PNP Chief Dela Rosa ang nagprisinta sa mga mamamahayag kay Tanto na noon ay nakasuot ng kulay dilaw na T-shirt at fatigue na short pants at halos sarado ang mga mata dahil sa black eye.

Habang nagsasalita si Gen. Dela Rosa ay very cool ang dating nito bagaman nawala ang focus ng mga mamamahayag sa kanyang mga sinasabi tulad ng paalala sa gun owners na kailangang hindi mainitin ang ulo upang hindi maulit ang pangyayari sa pagitan nina Tando at Geralde.

Natuon ang pansin ng mga mamamahayag, lalo na ng photographers kay Tanto nang iprinisinta ito sa mga mamamahayag bagaman nagbibigay pa ng pahayag si Bato.

Tuloy-tuloy lang sa kanyang pagsasalita ang PNP chief at bukod sa payo ay biniro pa nito si Tanto na tuturuan ng boxing upang hindi ito madehado na posibleng dahilan kung bakit siya namaril.

Kung cool si Gen. Dela Rosa, ismarte naman ang NCRPO chief na si Gen Albayalde sapagkat mabilis itong nagbigay ng pahayag sa pangyayari. Mayroon kaagad siyang kautusan sa kaso ni Tanto na isinailalim sa inquest proceedings sa DOJ noong Sabado.

Masasabi namang napakaintelihente ni MPD acting chief Col. Coronel sapagkat bukod sa pagiging pulis ay abogado rin ito.
Kinontra nito ang pahayag ni DOJ Sec. Aguirre II kaugnay sa pagkakaaresto kay Tanto.

Idinahilan ni Aguirre na sumuko si Tanto dahil tapos na ang prescribed period para sampahan siya ng kaso subalit idiniin ni Atty. Coronel na hindi maituturing na sumuko si Tanto sapagkat isinailalim ito sa “hot pursuit operation” simula nang mangyari ang pamamaslang.

Aniya, tuloy-tuloy ang paghahanap sa suspect hanggang sa maaresto ito sa Masbate batay sa ibinigay na detalye ng impormante.

Nakatutuwang mabatid ang mga katangian ng mga namumuno sa PNP. Para silang three in one na instant coffee na kumpleto ang sangkap sa isang pakete na kapag tinimpla ay wala ka nang hahanapin pa. PAKUROT/LEA BOTONES


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Lagarto para colorear


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Love Quotes Tagalog


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>