Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

DAPAT TALAGANG LINISIN ANG HUDIKATURA SA DROGA

$
0
0

MAY umangal na judge o pamilya ng judge na idinawit ni Pangulong Rodrigo ‘Digong’ Duterte sa droga.

Umangal ang pamilya ng mga judge na matagal nang patay dahil hindi na umano nito maipagtatanggol ang kanyang sarili sa anomang akusasyon. ‘Yung iba === iniangal sila ni Chief Justice Ma. Lourdes Sereno.

Payo pa ni CJ Sereno sa mga judge na huwag sumuko ang mga ito sa kung sino-sino, kahit sa pulis, hangga’t walang maiisyu na warrant of arrest laban sa kanila.

May katwiran ang mga ito. Magkagayunman, mayroon ding sariling batayan at katwiran si Pang. Digong sa paglalabas niya ng pangalan ng mga pinaniniwalaang sangkot sa salot.

Kung sino ang may katwiran, malalaman natin sa mga darating na araw.

NAKITAAN NG EBIDENSYA

Sa unang listahan ni Pang. Digong ng mga umano’y dawit sa droga, may nakitaan na ang National Police Commission ng pagkakadawit sa iligal na droga.

Tinutukoy natin, mga Bro, ang limang heneral na isinasangkot sa krimen. Naghihintay naman tayo ng aksyon ng Department of the Interior and Government ukol sa dati ngunit isa nang mayor ng munisipyo.

Bahala na rin ang pulisya na mangalap ng mga karagdagang ebidensya ukol sa ibang mga heneral para sa pagsasampa ng kaso.

HIGIT NA NAKARARAMI

Sa mahigit na 150 ngalan sa second batch na inilabas ni Pang. Digong, lumalabas na nakararami sa mga ito ang posible ngang sangkot sa droga.

Ang mga nagde-deny ng pagkakasangkot ay hindi nangangahulugan na inosente ang mga ito.

Normal naman kasi na walang umaamin sa isang akusasyon batay sa ligal at konstitusyonal na katwirang “a person is presumed innocent until proven otherwise.”

‘Yun bang ==== hanggang sa araw na mismo ang Supreme court ang magsasabing guilty o inosente ang isang akusado sa kahit anong krimen, kabilang na ang pagkakasangkot sa iligal na gamot.

HEART TO HEART TALK

Ang paglabas ng mga ligal na labanan ukol sa mga isinasangkot sa droga ang isang nakakuha ng ating interes. Lalo na ang pagsasangkot sa ilang huwes.

Lumalabas na kung may makausap kang huwes, ang dami palang untold stories dito. At ito ang ating tatalakayin nang higit.

TAKOT NA TAKOT

Kung pag-aaralan mo ang kasong hawak ng mga judge, marami sa kanila ang walang hawak na kaso sa droga.

Anak ng tokwa, takot na takot at naglalaho pala ang bayag ng maraming judge kung droga na ang kasong posible nilang kahaharapin.

Ayaw nilang mamatay sa paggampan ng tungkulin, lalo na kung mga druglord ang gagawa nito.

Lalong lumulubog ang bayag ng mga ito sa kakaisip na mga pulis o militar ang inuutusan ng mga druglord sa pagpatay.

Unang-una umano, mahirap hulihin ang mga pulis at sundalo na utusan ng mga druglord dahil libre ang mga ito sa checkpoint.

‘Yung iba, galing pa umano sa mga kulungan ang mga inuutusang pumatay kaya walang hustisya kang maaasahan sa kawalan ng mahuhuling suspek.

Malinaw na maaaring isa itong dahilan kung bakit sinasabi ng Supreme Court na iisa o dalawa lang sa mga huwes ang mga hawak ng kasong droga.

PAGTATAPAT

Sabi ng nakausap nating huwes na taga-lalawigan, dahil umano sa takot sa mga druglord, kanya-kanya ang mga dahilan upang makaiwas ang mga ito sa paghawak sa mga kasong droga.

Porke, kamag-anak nila ang mga sangkot. ‘Yung iba, kamag-anak o kabagang o kasangga ng isang politiko na naging isponsor nila sa pagiging judge.

‘Yung iba, may mga itinatagong dahilan na nahahalata kung madi-dismiss ang kaso.

Bahala na kayong mag-isip, mga Bro, kung ano ang ibig-sabihin nito.

ISANG COMPLAINT

Bagama’t umangal si CJ Sereno sa ginawa ni Pang. Digong, itinuturing na rin pala ng SC na anyong complaint ang pagsisiwalat ng huli.

Kaya naman, bumuo na ang SC ng isang team na pinamumunuan ng isang retiradong hukom para mag-imbestiga.

Iimbestigahan ang mga huwes at kung makitaan ng posibleng pagkakasangkot sa droga, may gagawin na ring aksyon ang Pinakamataas na Hukuman.

Maaaring administratibo ang isa sa mga kasong titingnan ng SC na maaaring ikatatanggal sa tungkulin ang mga isinangkot.

Kapag makitaan ang mga huwes ng pagkakasangkot, tiyak namang hindi ring pipigilin ng nasabing hukuman ang pagsasampa ng mga kasong kriminal at sibil laban sa mga ito.

Lalo’t kilala ang SC sa pagpapanatili sa hudikatura bilang isang institusyon na hindi kailanman maging kanlungan ng mga korap, mandarambong, kriminal, pabaya at matakutin sa pagpapairal ng batas, Konstitusyon at katarungan.

Go, go, go sa paglilinis sa lahat ng ahensya ng pamahalaan bagama’t may ilang posibleng pagkakamali.

oOo
Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o sa 09214303333. ULTIMATUM/BENNY ANTIPORDA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Lagarto para colorear


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Love Quotes Tagalog


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>