TATAPUSIN na raw ni Pang. Rodrigo Duterte ang kontraktwalisasyon at endo (end of contract) sa lahat ng mga maliliit na manggagawa na nagtatrabaho sa iba’t ibang mapagsamantalang kumpanya.
Ang hakbanging ito ni Pang. Duterte ang pinakaaabangan ng Simbahang Katoliko bilang pagtupad sa kanyang pangako para sa mga mangggagawa.
Ayon kay Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, marami ang natuwa sa pangakong ito ni Pang. Duterte.
Sa ilalim kasi ng kontraktwalisasyon, kapag nag-aplay ang empleyado sa isang kumpanya, awtomatikong hanggang limang buwan lamang ang itatagal ng pagseserbisyo nito. At walang anomang security of tenure o kasiguruhan sa trabaho o benepisyo siyang tatanggapin mula sa nasabing kumpanya.
Alam naman nating talamak ang ganitong kalakaran, lalong-lalo na sa mga mall, restaurant at marami pang iba.
Kaya lang, nakadududa kung mapasusunod ng Pangulo ang mga may-ari ng mga ‘untouchable’ na kumpanya.
Gaya na lamang ng SM Malls ni business tycoon Henry Sy na halos sa pawis na ng mga maliliit na obrero nito siya yumaman.
Hindi ako maniniwala na susundin nito ang kautusan ng Pangulo na wakasan na ang kontraktwalisasyon sa kumpanya nito.
“Tingnan ninyo, tol, may naka-usap akong ilang sales lady at sales man nito sa SM Mall of Asia sa Macapagal Ave., Pasay City.
Ayon sa kanila, tinanggal nga raw ni Mr. Sy ang limang buwan na kontrata sa kanyang kumpanya pero ginawa lang daw niya ito na isang-taong kontrata.
After one year, walang nakatitiyak kung irere-hire muli sila. Napakagulang, ‘di po ba?
Naghahanap tayo ngayon ng pruweba kung gaano siya (Pangulong Duterte) kaseryoso.
Tingnan natin kung uubra ang ginagawang pang-aabuso ni Henry Sy sa kanyang mga maliit na manggagawa kay Pang. Duterte. (Abangan)
BOOKIES NI KAP. BENING MALAKAS KINA MAYOR, RD
Wala pa ring katinag-tinag itong bookies ng Small Town Lottery (STL) ni Kap. Bening sa Batangas City sa lalawigan ng Batangas.
Tila yata malakas si Kap. Bening kay City Mayor Beverly Dimacuha kaya ‘di makuhang ipahuli nito sa kanyang mga kapulisan.
Ano ginagawa kaya ni Region 4-A RD Gen. Valfrie Tabian? Panay ikot yata nitong mga intelihensiyador niya. Hehehehe.
***
Anomang puna o reklamo i-text sa 09189274764,09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA
