Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

LAGUNA LAKE PALAYAIN

$
0
0

NAPAPANAHON ang utos ni Pangulong Rodrigo Duterte kina Agriculture Sec. Manny Piñol at Environment Sec. Gina Lopez.

Palayain sa pang-aabuso ng mga politiko, ganid na negosyante at mga retiradong heneral ng military at pulisya ang pinakamalaking lawa sa bansa – ang Laguna Lake.

Kung noon ay naloloko at napapaikot ng mga may-ari ng naglalakihang fish pens, sa kamay ni Pangulong RODY, tapos na kayong lahat!

Kilala na ninyo si KA DIGONG, kapag sinabi niya na magsitigil kayo, mabuti pa, tumiklop na kayo! Masyado na kayong nagsiyaman habang ang mga lehitimong sektor ng mangingisda sa paligid ng Laguna Lake ay nabaon sa kahirapan dahil sa liit na ng kanilang pinangingisdaan.

Wala ba kayong kabusugan? Halos wala na silang mahuling isda. Wala ba kayong kahihiyan?

Plano noon ni dating Pangulo at Pampanga Congressman Gloria Macapagal-Arroyo na wasakin na rin ang malalaking palaisdaan sa lawa.

Sa katunayan ay nakipagkontrata siya sa isang Belgian contractor para hukayin, linisin at pagandahin ang lawa na magreresulta rin sa pagpigil ng baha. Lamang, pagpasok ng rehimeng Aquino, kinansela ito na walang paliwanag kundi ugat lang daw ng korapsyon ni CGMA?

Pati nga ‘yung mahalagang “roll on-roll off” na proyekto para mapag-isa ang biyahe mula Luzon patungong Visayas at Mindanao ay ipinatigil din ni Aquino.

Maganda ang plano ni Sec. Gina sa lawa ng Laguna. Gagawin ito na isang ecology at tourism area. Gagawin naman ni Sec. Piñol na bigyan ng mga gamit pangisda ang mamamayan doon para matiyak na maibsan ang hirap at gutom.

Kapag nangyari ang mga plano nina Pangulong Digong, Ka Gina at Ka Manny mawawala na sa bokabularyo ng mga taga-Laguna, partikular ang mga nabubuhay sa lawa ang salitang kahirapan.

Pero sana, hindi lang ang malalaking suwapang na negosyante sa palaisdaan ang paalisin nina Sec Piñol at Lopez. Dapat din na paalisin ang naglalakihang industriya sa buong paligid ng lawa dahil doon dumadaloy ang nakalalason nila na kemikal mula sa kanilang pakturya.

Ito’y isang mukha ng tunay na pagbabago na matagal nang hinihintay ng mamamayan. At sana, sakaling wala na ang malalaking fish pond owner s’ya pangalagaan ninyo ang buong lawa.

Bawal ang magkalat at magtapon ng anomang uri ng basura. Itanim sa buong pagkatao ninyo ang disiplina sa sandaling mapaluwag, malinis at mapalalim ang Laguna Lake.

Kayo na mga residente ang dapat manguna sa kalinisan ng lawa! Kung hindi ninyo gagawin, dapat din kayo ay paalisin! BALETODO/ED VERZOLA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Lagarto para colorear


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Love Quotes Tagalog


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>