BAGO ang lahat, ating ipanalangin ang mabilis na recovery ni Jan Dexter Rafael Concepcion na hinoldap at binaril kamakailan ng mga holdaper. Taliwas sa nakuha nating ulat mula sa pulisya, siya’y buhay at naka-confine sa ospital. Our apology.
—**—
Matindi ang bilin ni Pangulong Duterte sa PNP at LGU officials na magtrabaho nang husto para masugpo ang droga sa kanilang mga hurisdiksyon.
In fairness sa PNP at maraming elected official, sila naman ay kumikilos pero matalino ang mga drug trafficker dahil palaging may pamamaraan.
Para ‘di maputol ang iligal na negosyo, ang mga druglord ay nag-iisip ng pamamaraan para maipagpatuloy ang kanilang drug trading.
Katulad na lang ng nasagap nating ulat na paggamit sa mga STL bet collector ng ilang enterprising drug peddler na nakabase sa Batangas.
Tatawagin ko lang sa alyas na ‘Sgt. Ikot’, karamihan sa mga STL bet collector sa Batangas, aniya ay gumagamit din ng shabu.
Suhestiyon ni ‘Sgt. Ikot’ ay pasilip ni Gen. Bato dela Rosa ang bet collectors nina Hajie at Aisa sa Brgy. San Jose, Ka Carling at Maliwanag ng Brgy. Bulacnin, Lorenz ng Brgy. Bulaclacan at Poblacion 4, Kap Fonte at Dakoy ng Poblacion 7 at Poblacion 3 – pawang sa Lipa City; Austria ng Poblacion, Rosario; Kap Nelson at Fress, San Juan; Kap Indo ng Brgy. Dagatan at Kap Ineo ng Brgy. Galamay Amo, San Jose; Kap Biscocho at Junior, ng Poblacion 7, Lito N. ng Putuhan, magkapatid na Angie at Kon Perez, Kap Mario L., ng Brgy. Pantay na Bata at Pantay na Matanda, Ocampo at Villanueva, kapwa ng Brgy. Bagbag, Ka Teryo ng Brgy. Bañadero at Sgt. Dimapilis ng Brgy. Luyos – lahat sa Tanauan City, Akira at Kap. Peping ng Brgy. 4, Poblacion, Calaca; lotteng ng mag-amang Mapalad sa Balayan, at STL bookies nina Fider, Minda at Nene sa San Pascual, lotteng ni Sgt Vergara sa Agoncillo; PO1 Mindanao ng Brgy. Sambat; Sgt. Sara ng Brgy. Quilo-Quilo North at Quilo-Quilo South, Rani Extole at Agaran ng Brgy. Banaba Sentro at Irene ng Brgy. Pansol.
Ika ni ‘Sgt. Ikot’, maaari ring tanungin ni Gen. Bato ang tong collectors na sina Florence, Sgt. Matibag, Almarez, Maligaya, Dela Cruz at Villacorta hinggil sa kanyang expose.
Kailangang kumilos si Batangas PD Leopoldo Cabanag at R4-A Director Valfrie Tabian bago pa magalit si DU30 at Gen. Bato. CHOKEPOINT/BONG PADUA