Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

EKONOMIYA INAASAHANG LALAGO KAY DUTERTE

$
0
0

SA kabila ng hindi matitinag na laban sa iligal na droga, inaasahang mapalalago ni President Duterte ang ekonomiya sa pamamagitan ng kanyang patakaran sa negosyo.

Pumapalakpak ang mga ehekutibo sa atensyon na ibinibigay ng administrasyong Duterte sa pagpapagawa ng bagong imprastraktura na pwedeng pagsimulan ng paglago ng ekonomiya.

Nangako rin si Duterte na wawasakin ang mga oligarch, naglunsad ng pagtugis sa online gambling, at nagbabala sa mga nasa industriya ng minahan na pwedeng maipasara sila kung hindi masusunod ang environmental standards.

Totoong may sariling estilo ang kasalukuyang Pangulo. Nang manalo si Duterte sa halalan noong Mayo, may mga tanong kung paano niya patatakbuhin ang ekonomiya. Ang batid ng lahat ay naka-focus lang si Duterte sa laban sa droga.

Sa katunayan, inamin ni Director-General Ronald dela Rosa, Philippine National Police Chief, na 1,800 na ang nasasawi kaugnay ng droga mula nang mapuwesto si Duterte. Ang 712 rito ay naganap sa operasyon ng pulis.

Sa kabila ng bilang na ito, nakakuha si Duterte ng 91 percent approval rating sa pinakahuling survey. Nagpahayag din ang gobyerno noong isang linggo na ang ekonomiya ng Pilipinas ay lumago ng pitong porsyento sa pangalawang quarter.

Ito ang pinakamataas na lebel nito sa loob ng tatlong taon kaya ang Pilipinas ang pinakamabilis na lumaking bansa sa mga nagsumite ng para sa second quarter.

Sa ngayon, ang mga remittance at outsourcing ay lumalago. Ang mga negosyo ay nagpaplano ng pagpapalawak tulad ng Jollibee Foods Corp., ang pinakamalaking fastfood chain sa bansa na nagbabalak magdagdag ng 200 puwesto sa taong ito. Gayundin ang Robinsons Retail at BDO Unibank, Inc.

Pero ang “magic touch” ni Duterte sa negosyo ay umaandar na kahit noong alkalde siya ng Davao City.

Makikita sa talaan ng gobyerno na ang rehiyon ng Davao ay lumaki ng 6.6% noong 2010-14, habang ang paglaki ng ekonomiya ng bansa ay nasa 6.3 percent.

Sumasampalataya ang mga ehekutibo sa pangako ni Duterte na gagawing prayoridad ang paggasta sa infrastructure, na inaasahang magreresulta sa doble o tripleng paglaki nito sa lalong madaling panahon.

Ang mga pangako ni Duterte sa panahon ng kampanya mula sa laban sa bawal na droga at lahat ng iligal hanggang sa pagpapalago ng ekonomiya ay unti-unting natutupad kahit dalawang buwan pa lang siya sa puwesto.

Kailangan pa ba natin sabihin na pwede tayong umasa ng higit-higit pa sa mga darating na taon? FIRING LINE/ROBERT RICOHERMOSO


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>