Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

DIGONG VS DE LIMA AT MADUGONG DRUG WAR

$
0
0

KAPAG nagsama ang bagyo at ang habagat, magdasal ka na.

Ang bagyo, pupwedeng lumipas makaraan ang ilang araw. Pero ang habagat, makaraan pa ng taong ito hihinto dahil bahagi ito ng tag-ulan na tumatama sa mahal kong Pinas sa kalahati ng taon.

Ibig-sabihin, mga Bro, tuloy-tuloy ang sama ng panahon. Kapag binaha tayo ng maulan na bagyo, magtutuloy-tuloy pa rin ang baha dahil sa habagat.

Pero hindi lang baha, mga Bro, ang darating kundi sari-saring kalamidad.

SA ILOG AT DAGAT NA LANG

Dahil sa matagal-tagal na ring pag-ulan, basa na ang kalupaan hanggang sa kailaliman kaya natural na hindi masipsip ng lupa ang mga ulan galing sa bagyo at habagat.

Sa mga kabayanan at kalunsuran na halos nakasemento na ang lahat ng lupa, mas matindi ang kalagayan, lalo na sa mga lugar na halos wala nang puno kundi mga garden plant na lang ang nakikita at hanging pa.

Kaya naiipon ang mga tubig ulan kung saan-saan at dumadaloy na lang patungo sa mas mababang lugar hanggang humantong ang mga ito sa mga kanal, sapa, ilog at karagatan.

MALAWAK NA BAHA

Ang masama, dahil sa lawak ng pag-ulan sa habagat at bagyo, anak ng tokwa, napupuno ang mga daluyan ng baha hanggang sa buo-buong mga lugar na ang dinadale ng baha.

Mga barangay, mga munisipyo, mga lungsod, mga lalawigan. At dito na nagkakaroon ng mga kamatayan at katakot na kasiraan sa ari-arian, mapapribado man o mapamahalaan.

Kalamidad na, mga Bro, ang kasunod nito. Dito na napupwersa maging si Pangulong Rodrigo ‘Digong’ Duterte na sumakay ng helikopter para personal na malaman ang kalagayan ng mga biktima at kalimutan sandali ang mga laban nito sa droga, korapsyon at iba pang salot sa lipunan.

PANANIM, HAYOP

Sa mga lalawigan o sa labas ng mga bayan at lungsod, naririyan ang mga magsasaka, mangingisda at naghahayupan para mabuhay.

Gaya ng nangyayari ngayon, lapnos ang puhunan ng mga ito. Natabunan ang mga palay ng putik, namatay ang mga alagang hayup at nakawala ang mga alagang isda sa mga fishpond at fishcage.

Maging ang ibang mga pananim gaya ng mga niyog, saging, pinya at iba pang magandang kabuhayan ay nasisira rin.

Nabubuwal at nababali ang mga niyog sa bagyo, nabubuwal ang mga saging at nabubulok ang mga pinya sa bagyo at kung sumabay ang habagat, paktay ang mga hanapbuhay na ito.

MAS MATINDI SA DROGA

Mas matindi sa droga kung sumalakay ang mga bagyo at habagat. Kung sa isang pamilya ay may isang nagdodroga na ikinasasama ng lipunan, sa bagyo at habagat, lahat ay natatamaan na ikinasisira ng lipunan.

Kaya naman, kung may tatlong-milyong biktima at suspek sa droga, sa isang paghampas lang ng bagyo at pagkambal ng habagat dito, karaniwang kalahati ng 100-milyong Pinoy ang biktima.

At sa kasaysayan ng bansa, hindi lang mga buwan kundi taon bago makarekober ang mga biktima ng bagyo at habagat.

Lalo’t karanasan na sa nakaraang mga administrasyon na pinababayaan lang ang mga biktima ng kalamidad. Kung may ayuda man sa mga ito, halos pawang mga consuelo de bobo lamang.

CHANGE IS COMING

Ang paglingap sa mga kinakalamidad na karamihan ay bahagi ng sinasabi ng administrasyong Duterte na 20-milyong pinakamahihirap sa bansa, ay inaasahang magaganap.

‘Yang personal na pag-iikot ni Pang. Digong, kahit masama pa ang panahon para lang malaman niya ang kasiraang dulot ng bagyo at habagat, ay hudyat ng mga hakbang para sa malaking pagbabago.

At kabilang sa mga kautusan nito ang pagtiyak na walang gutom na dadapo sa mga biktima.

Inatasan na rin ng Pangulo ang lahat ng departamento ng pamahalaan na kumilos upang tulungan ang mga biktima.

DAYUHAN AT MGA KORAP

Sa nakaraang mga administrasyon, sa usaping palayan at bigas lamang, anak ng tokwa, mas gusto pa nila ang gumastos ng bilyon-bilyong piso para sa importasyon ng bigas na pinakikinabangan ng mga dayuhan kaysa ayudahan ang mga magsasaka sa muling pagtatanim at pagsuporta sa mga ito sa mga panahon na hinihintay ang tag-ani.

Palibhasa, malaki ang kita ng mga korap sa overpricing sa imported na bigas, patong sa mga pamasahe sa barko at pagbibiyahe ng bigas sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Malaki rin ang kita ng mga ito sa bultuhang pagbebenta ng bigas sa mga rice trader o cartel. At kapag nag-imbestiga ang Senado at Kamara, nakupo, dagdag ding korapsyon ang nandiyan.

Sa administrasyong ito, inaasahan na mababawasan nang malaki ang ganitong kademonyohan.

Sakaling may magtangkang korapin ang kalamidad at mga biktima, pupwede bang isalang sa firing squad ang mga ito kahit na walang death penalty law?

oOo
Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o i-text sa 09214303333. ULTIMATUM/BENNY ANTIPORDA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Tagalog God Quotes to inspire you


Best Papa jack Love Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Patama Quotes at Selos Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Inspirational Love Quotes Collection


Inggit Quotes and Taray Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>