BINALAAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat ng mga korap na government official at kawani nito, partikular na ang mga nasa Land Transportation Franchising and Regulatory Board at Land Transportation Office, na kanyang pagsisibakin ang mga ito.
Hangad kasi ni Pangulong Duterte na linisin ang hanay ng gobyerno pero tila nagtataingang-kawali lang ang ilan sa mga kawani ng ahensya sa magandang hangarin niya na mapaglingkuran nang malinis at mabilis ang taumbayan.
Naniniwala pa rin ang Pangulo na kasama niya ang taumbayan sa paglilinis mula sa maruming kinagisnan na kalakaran sa loob ng pamahalaan at umaasa rin siya na nasa likod niya ang mamamayan para linisin ang gobyerno.
Ang hinihingi lang ng Pangulo ay magsama-sama tayo para sa pagkakaisa at buwagin ang matinding korapsyon. ‘Yung mga kawani naman na nagtatrabaho ay wala naman daw dapat ikabahala.
Sinabi rin ni Duterte na hanggang ngayon ay wala pa ring nangyayari sa matagal nang reklamo ng mga negosyante sa Cagayan de Oro tungkol sa malawakang korapsyon sa LTFRB at LTO.
Kasabay ng pasaring nito ang inaasahang paglalabas nito ng listahan ng mas maraming scalawag na mga taong-gobyerno.
Mas maraming bilang din ng mga hukom, police official at politiko ang kanyang pangangalanan dahil sa halip na katuwang ang mga ito ng gobyerno sa pagsugpo sa palala nang palala ng paglawak ng illegal drugs sa bansa, sila pa ang lantarang pumuprotekta rito.
Ang mabilis na pagkalat ng illegal drugs sa bansa ang kailangan daw na kontrolin niya para manumbalik muli ang pagtitiwala ng taumbayan sa mga taong-gobyerno.
Ang tanging paraan daw para matapos ang problema sa illegal drugs sa bansa ay pagpapakita ng matigas at matapang na paninindigan!
Tama nga naman si Pang. Duterte.
PATI SI MAYOR SINASAMA SA KASABWAT
Walang pakialam itong pulis na si Cabungkal alyas Taruy ng Balayan, Batangas sa patuloy na pagpapatupada at pagpapasakla niya sa nasabing bayan.
Ang mahalaga sa kanya (Cabungkal) ay nakatimbre siya kay Balayan Mayor JR Fronda.
Anong say mo, mayor? Tangna n’yo. Hehehehe!
***
Anomang puna o reklamo, i-text sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA


