Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

INAYOS NG DFA-MANILA WINASAK NG DFA-LIPA CITY

$
0
0

PALPAK na passporting system ng Department of Foreign Affairs ang nagpapahirap sa ating sambayanan.

Isang reklamo ang natanggap ng ULTIMATUM mula kay Talisay Coun. Florencio Pesigan sa dinanas nitong kawalanghiyaan ng aroganteng security guards ng DFA Lipa City.

UTOS NI DIGONG

Heto ang siste… dahil sa kapalpakan ng DFA na sa halip na palawigin pa ang 5 years validity ng pasaporte ni Coun. Pesigan nagulat ito na 1 year validity lang ang ibinigay sa kanya.

Sa madaling salita, taliwas sa utos ng ating Pang. Duterte ang nangyari kay Coun. Pesigan kung kaya’t napagpasiyahan n’yang i-post ito sa facebook.

PAKONSUWELO DE BOBO

Agad namang kumilos ang tanggapan ni DFA Sec. Perfecto Yasay at pinadalhan pa ng tauhan sa Talisay, Batangas si Coun. Pesigan para lang makunan ito ng fingerprint at maipro-seso na ang kapalit na pasaporte.

Pwede! Ang galing naman pala si DFA Sec. Yasay.

Lumipas ang ilang araw ay isang tawag ang natanggap ng Konsehal at sina-sabing maaari na raw n’yang makuha ang pasaporte, sa halip na sa main DFA sa Maynila sinabi umano ng staff ni Usec. Abadilla na sa DFA Lipa City na lamang kunin para mas malapit.

‘Yan ay bilang pakonsuwelo de bobo ng DFA kay Konsehal dahil sa abalang kanilang naidulot.

Gayunpaman, salamat pa rin sa mabilis na pagtugon nila Sec. Yasay at Usec. Abadilla.

MAS MATAAS ANG GUARD SA GOV

Dali-daling nagtungo ang konsehal para naman makuha na ang kanyang pasaporte sa Lipa, Batangas.

Nang makarating sila sa DFA Lipa City na matatagpuan sa loob ng Robinson’s Shopping Center, isang guwardiya ang nakaharap ng staff ng konsehal at sinabi dito ang buong kwento ng pasaporte at sinabing si Usec. Abadilla ang nagpapapunta sa kanila.

Hooops! Mukhang hindi kinaya ng powers ng staff ni konsehal, kaya nang makita ni konsehal na ayaw papasukin ang kanyang staff, personal na itong lumapit at nagpakilala sa guwardiya na si SG Rizal Pepito ng NS Lanting Security Agency.

Anak ng pitong putakte! Sa halip na asikasuhin itinuro ang konsehal sa OIC na si SO Edgar Auman na kung saan ayon naman kay konsehal ay grabeng sarkastiko nang humarap ito sa kanila.

Sinunod pa nila ang ipinag-utos nito na mag fill-up ng visitors pass at pumirma sa visitors log.

Pero ayaw pa rin sila iharap sa taga DFA ni Auman kahit hindi n’ya alam ang buong sitwasyon, pilit nya pa ring pinapipila ang konsehal.

Sarkastikong sabi pa ni Auman “Walang VIP VIP dito kahit si governor pa pumunta dito, pipila din s’ya!”

BASTUSAN NA

Aba’y luku! Alam n’yo ba ang ibig-sabihin ng kortesiya?

Pilit na pinapaliwanagan ng konsehal si Auman pero para bang wala itong naririnig at nagbibingi-bingihan.

Inamin naman ni Coun. Pesigan na tumaas na ang kanyang boses sa inis sa ginagawa ni Auman.

Hindi nagtagal ay bigla umanong nag-radyo itong si Auman at sinabi sa kausap nito na “May konsehal ditong nagmumura.”

Sagot naman daw ng babaeng kausap sa radyo na nakilalang si DFA Lipa OIC Jesusa “Nancy” Garcia, “tumawag ka ng pulis padampot mo ang mga p^*&@% inang ‘yan, konsehal pa naman ng bayan, mga bastos!”

Naku po! Ang daming taong nakarinig dahil nilakasan pa talaga ni Auman ang kanyang radyo.

Nagparesponde pa sa pulis si Auman pero wala namang nangyayaring hindi maayos kaya wala ring ginawa ang mga pulis.

Sa madaling salita walang nagyaring murahan, dahil kung meron man eh di dapat sana kinasuhan n’yo na ng oral defamation si konsehal at siguradong ikinulong na ng mga pulis ‘yan.

KORTESIYA SA KAPALPAKAN

Tanong lang po, lalo na dito sa magaling na OIC ng DFA Lipa City na si Jesusa Garcia…

Gaano po ba kalayo at kalaki ang opisina n’yo r’yan sa DFA Lipa at hindi n’yo nakuhang harapin man lang at bigyang respeto si konsehal?

Hindi ba’t marapat lang na bigyang kortesiya ng DFA Batangas si Coun. Pesigan hindi lang dahil sa konsehal ito kundi dahil sa abalang kapalpakan na idinulot ninyo?

Kasalanan man ito ng DFA Main Office ay hindi ba’t marapat lamang din na pasanin n’yo ang galit at puyos ng inabala ninyong mamamayan?

Bakit nakuha n’yo pang lalong inisin at buwisitin ang taong nagawan n’yo na ng pagkakamali at pilit n’yo pa ring papipilahin?

Mga tanong lang po ‘yan Mam ha, huwag ho kayong mapipikon baka murahin n’yo rin ho ako eh.

He! He! He!

UUBRA BA KAY SEC. YASAY ‘YAN?

Tsk! Tsk! Tsk! Hindi ho maganda ‘yan.

Hindi rin kokonsintehin ni Sec. Yasay ang ganyan, dahil sa kanya pa mismo nanggaling ang instruction na asikasuhin si Coun. Pesigan dahil nagkamali nga naman ang DFA.

Sa madaling salita para hindi na nga sumingaw sa media ang isyu.

REKLAMO SA SOSIA

Sa Supervisory Office for Security and Investigation Agencies (SOSIA) napiling magreklamo ni Coun. Pesigan para aksiyunan ang ginawa sa kanya ng Security Officer ng DFA Batangas.

July 19, 2016 alas-3 ng hapon ang insidente.

July 20, 2016 nagsalang ng reklamo sa SOSIA si Coun. Pesigan.

July 21, 2016, 3:30 ng hapon nag-file naman ng blotter ang DFA Lipa sa kapulisan. Abangan ang susunod na bakbakan!!!

oOo
Anomang reaksyon o reklamo ay maaaring i-text o itawag sa 09214303333. ULTIMATUM/BENNY ANTIPORDA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Mothers Day quotes tagalog


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Lagarto para colorear


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Best Papa jack Love Quotes


Love Quotes Tagalog



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES