Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

GRABENG TRAPIK

$
0
0

HINDI matatawaran ang resultang ibinigay ng Philippine National Police (PNP) kaugnay sa kampanya laban sa droga na inilunsad ni Pangulong Rodrigo Duterte na bago pa man ang halalan ay ipinagsisigawan na niya.

Kahit marami ang bumabatikos sa “Oplan Double Barrel” at “Oplan Tokhang” ay hindi maikakaila na malaking kabawasan sa krimen sa kalye ang nangyari.

Sa madaling salita, nakikita o lumilinaw ang tagumpay ni Presidente Duterte sa kanyang layunin na maging “Drug Free Philippines” ang bansa.

Sa totoo lang, naobserbahan ng inyong lingkod ang malaking pagbabago sa ilang lugar na tinutukan ng PNP ang kampanya laban sa droga.

Mararamdaman sa mga lugar na ito, lalo na sa Kamaynilaan na puwedeng maglakad nang matiwasay o ligtas at hindi na kinakabahan ang mga mamamayan.

Ang tanging kinakabahan at balisa ay ang drug users at pushers na bagaman sumuko at pumirma sa kasunduang sila’y magbabago na ay tuloy-tuloy pa rin sa kanilang iligal na gawain.

Lumilitaw na unti-unting natutugunan ng pamahalaan ni Pangulong Digong ang problema ng bansa na nangunguna nga ang talamak na droga. Pero hindi sa droga natatapos ang problema.

Isang malaking problema pa ng bansa ang grabeng traffic sa Metro Manila.

Hindi maitatanggi na talagang napakarami nang sasakyan, pampubliko o pribado man, na pumaparoon at parito sa Kalakhang Maynila. Dahil dito, bumibigat ang daloy ng trapiko at napakabagal ng galaw ng mga sasakyan.

Nitong nakaraang Sabado na lamang, kahit saan sa Metro Manila ay napakabagal ng usad ng mga sasakyan mula kalye ng Las Piñas at maging sa South Luzon Expressway (SLEX).

Mula Bicutan, patungong Maynila, inabot ng mahigit tatlong oras ang biyahe na dapat sana ay tuloy-tuloy lang pero dahil sa napakaraming malalaking trak ay buhol-buhol ang trapik.

Karamihan sa malalaking trak ay walang disiplina pa ang mga tsuper. Araw ng Sabado at Linggo, ma-traffic din ang daan sa Sta. Rosa, Laguna patungong Silang, Cavite at Tagaytay. Inabot nang halos tatlong oras ang biyaheng dapat sana’y halos 45-minuto lang.

Marami ang nasasayang dahil sa mabagal na daloy ng mga sasakyan. Hindi lang oras kundi pati gasolina at pagod sa katawan ng mga bumibiyahe.

Ibig-sabihin, apektado rin ng grabeng traffic ang ekonomiya ng bansa kaya ito naman ang dapat tugunan ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa pagkakaroon ng traffic czar sa Metro Manila sa katauhan ni PNP Highway Patrol Group director C/Supt. Antonio Gardiola, inaasahang mabibigyang solusyon ang problema sa traffic sa Kamaynilaan.

Pero mas makabubuti kung hindi lang sa Kamaynilaan ang iibsan ang mabagal na daloy ng mga sasakyan kundi sa mga karatig nitong lalawigan tulad ng Bulacan, Cavite at Rizal. PAKUROT/LEA BOTONES


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Best Papa jack Love Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>