Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

REP. MALAPITAN AYAW NG PEACE; CUBAO PNP GALIT SA BURDADO

$
0
0

burdado- jun brionesKAMAKAILAN ay isinulong ng Parish Pastoral Council ang isang Peace Covenant sa pagitan ng mga kandidato sa Caloocan City.

Alam naman natin, parekoy, na pabalat-bunga lang ang mga ganitong covenant.

Sa totoo lang kasi, hindi naman talaga ito nasusunod, dahil hindi nagiging sagabal ang isang peace covenant para gawin ng isang kandidato ang kung anomang kabulastugang nasa utak niya!

Gayunman, patuloy itong isinusulong ng ilang advocacy group sa pag-asa na balang araw ay makokonsensya rin ang mga kandidato at tutuparin ang nilag-daan na “panatang pangkapayapaan.” Maging ang mga kandidato ay lumalahok din, hindi upang lubusang tuparin ito, kundi maipakita man lang sa kanilang mamamayan ang kahandaan na makipagpanata” alang-alang sa kapayapaan!

Pero sa nasabing Peace Covenant sa Caloocan City ay hindi sumipot ang mag-amang Rep. Oscar Malapitan na kandidatong alkalde at anak na si Alon Malapitan na kandidato naman bilang congressman.

Ang punto natin, parekoy, hindi lamang ipinakita ng mag-amang Malapitan ang kawalang respeto sa simbahan na nag-organisa nito, higit sa lahat, ang kawalan nila ng interes na makipagkasundo kahit alang-alang man lang sa anino ng kapayapaan!

Anomang programang ipinangangako ng isang politiko pero sa mismong puso niya ay ayaw makipagkasundo alang-alang sa kapayapaan ay wala itong kahihinatnan! Pramis!

Hindi ko tuloy masisi ang aking tawiwit sa Caloocan na isiping walang kapayapaan sa Caloocan kung mananalo ang mag-amang Malapitan!

-o0o-

NAGAGALIT sa atin, parekoy, ang ilang pulis sa Cubao Police Station sa Quezon City na nasa ilalim ni Col. Ronnie Montejo kung bakit hindi raw natin tinitigilan ang isang iligal na pasugalan sa Westpoint St.

Tingnan ninyo ang asal na ito ng mga tauhan ni Montejo, sa atin nagagalit imbes na sa iligalista dahil hindi tumitigil o kaya sa kanilang sarili magalit dahil hindi nila mapatigil ang operasyon nina Este at Joel sa pangangasiwa ni Ine!

Kaya ba kayo nagagalit sa akin dahil nabibisto ng QCPD officials ang iligal sa inyong area?

O nagagalit kayo sa akin dahil nanganganib matigil ang “weekly” para sa tanggapan ni Col. Ronnie Montejo?

Makihati na lang kayo sa inyong sir! hak, hak, hak! Pwe!


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Lagarto para colorear


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Selos Quotes Tagalog Love Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>