Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

MAGHANDA LAGI VS LINDOL AT KAILANGAN ANG PAGTUTULUNGAN

$
0
0

benny antipordaPAREHAS sa lakas ang lindol na tumira sa Iran nitong nagdaang araw sa Baguio-Cabanatuan killer quake na tumira naman sa Luzon sa Pinas noong 1990.

Ang maganda sa Iran quake, eh, 95 kilometro sa ilalim ng lupa ang pinagmulan nito kaya ang sukat ng lakas nito ay naramdaman ng maraming bansa sa paligid nito na hanggang 4 lamang.

‘Yung Baguio-Cabanatuan quake ay may 25 kilometro lamang na lalim sa lupa sa bayan ng Rizal, Nueva Ecija kaya gayon na lamang ang kamatayan at pinsalang inabot natin.

Binibilang pa ang namatay sa Pakistan samantalang sinasabi ng Iran na wala pang naitatalang namatay sa kanila.

Pumatay naman ng nasa 2,000 katao ang Baguio-Cabanatuan quake at sumira ito ng bilyon-bilyong pisong halaga ng ari-arian.

LINDOL KAHIT SAAN

Matapos ang Iran tremblor kung tawagin, kinana naman ng lindol ang New Zealand at gumalaw din ang lupa natin sa Mindanao.

Mabuti’t hindi pumatay ang dalawang lindol na huli sa atin at sa New Zealand.

ANOMANG ORAS TITIRA

Madalas tayong niyayanig ng lindol at anomang oras ay titira sa atin ang malakas na lindol.

Sa rami ba naman ng mga bitak ng lupa sa mahal kong Pinas na pupuwedeng gumalaw at maging sanhi ng lindol.

Ang inaantay natin ay ang sinasabing Marikina Valley fault o malaking bitak ng lupa na matatagpuan sa Marikina City, bahagi ng Bulacan, Quezon City at iba pang lungsod ng Metro Manila.

Ano kaya kung maganap ang lindol sa napakalaking bitak ng lupa ng Marikina Valley Fault?

Nakupo! Ano-ano sa palagay ninyo ang magaganap sa malaking bahagi ng 15 milyong residente ng Metro Manila?

Eh nagdodoble ang populasyon ng Metro Manila kung araw dahil sa pagparito ng mga mamamayan ng Bulacan, Pampanga, Rizal, Cavite, Laguna at Batangas?

Paano kung maitaon sa araw ang lindol mula sa Marikina Valley Fault?

LAGING MAGHANDA

Grabe kung pumatay at puminsala ang lindol.

Kaya naman, dapat lagi tayong maghanda ukol dito.

Hindi lang kung paano tayo tumakas at magtago sa mga ligtas na lugar.

Ang mga istruktura na ating itinatayo at tinitirhan ay dapat nating bantayan lagi.

Para sa mga nakapagtayo o mayroon nang mga bahay o opisina, kung may mga depekto ang mga ito, dapat na iulat kaagad sa mga kinauukulan upang magawan ng paraan.

May nagagawang paraan upang mapatibay ang mga depekto.

Para naman sa mga bagong nagtatayo, dapat na dumaan ang mga istruktura sa mga pagsusuri at pag-apruba ng mga kinauukulan.

Ang substandard na materyales ay dapat na hindi ikabit. At ang pagpapagawa ay hindi dapat na daanin sa pagtitipid.

Dahil kung gagawin natin ang mga ito, disgrasya ang ating aabutin kung may malakas na lindol na tatama sa atin.

LOW COST HOUSING

Nakapaninindig-balahibo ang pag-amin mismo ng mga taga-pamahalaan na ang mga low cost housing na proyekto nito ang kabilang sa mga madaling magiba dahil sa lindol.

Paano naman kasi, mga Bro, halos substandard ang lahat ng materyales na gamit.

Payat ang mga bakal, mababaw ang mga hukay para sa mga haligi at dingding.

Buhaghag pa ang mga palaman ng mga hollow block at karaniwang dinaraya ang mga bakal na ginagamit dito.

Buhaghag na nga ang mga palaman, mahina pa ang timpla sa semento, buhangin at graba.

Nakatatakot na pandaraya naman ang pagbunot sa mga bakal na ipinalalaman sa mga itinatayong hollow block na dingding at haligi.

Maraming nagigibang bahay ang natatagpuang halos walang mga bakal sa mga dingding at ito ang pruweba ng pandaraya.

SUNOG SA LINDOL

Isa ring nakatatakot na bunga ng lindol ang pagkakaroon ng sunog.

Ilang beses nang nagkaroon ng sunog sa mga nalilindol at nagigibang bahay.

‘Di lang ang “faulty electric wire” na laging itinuturo ng mga bumbero ang pinagmumulan ng sunog.

May mga magagandang electric wire na kapag naputol dahil sa lindol ay kusang umaapoy hanggang sa maabot ng mga ito ang mga pupuwedeng masunog na bagay.

May mga istruktura na naglalaman naman ng mga madadaling masunog na bagay gaya ng mga petrolyo o gaas o thinner o may mga nagkakaroon ng depekto na tangke at hose ng liquified petroleum gas.

Kaya ang lahat ng ito ay dapat ding bantayan.

At siyempre pa, dapat na ipaalam agad sa mga kinauukulan ang mga ito.

EMERGENCY NUMBERS

Kasama sa mga panlaban natin sa disgrasya sa oras ng lindol ang pag-kakaroon ng mga contact number sa mga awtoridad.

Kabilang sa mga dapat na i-memorize ang mga telephone number nina tserman, kagawad at barangay tanod.

Dapat ding isaulo ang mga telephone number ng mga may ambulansya, bumbero, ospital, munisipyo o lungsod at iba pang ahensya ng pamahalaan.

Silang mga awtoridad ang lubos na makatutulong sa atin sa oras ng disgrasya.

Habang karaniwang kanya-kanya tayo kapag nandiyan na ang lindol at ibinubunga nitong disgrasya, silang mga taga-gobyerno ang karaniwan namang umaalalay sa ating lahat.

Lubhang kailangan ang ugnayan at tulungan ng mga mamamayan at pamahalaan.

oOo

Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa 09214303333.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Best Papa jack Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>