Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

KATUTUBO, INMATES NG BJMP AT GRO KAKALINGAIN NG TESDA

$
0
0

BIBIGYAN ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng Technical Education and Skills Development Authority ng sapat na pagkalinga ang mga kababayan nating miyembro ng Indigenous Community, inmates ng Bureau of Jail Management and Penology at mga Guest Relation Officer upang mabago ang kabuhayan ng mga ito.

Sa pamamagitan kasi ng programang ipinatutupad ng TESDA na pinamumunuan ni Director General, Secretary Guiling “Gene” Mamondiong, kasama na ang mga ito sa dapat na mabigyan ng sapat na kasanayan para makakuha ang mga ito ng maayos na pagkakakitaan.

Kabilang ito sa 14-point Reform and Development Agenda ng TESDA na nakabase sa pangunahing programa ng administrasyon ni Pangulong Duterte na layuning matulungan ang mga kababayan nating gustong magkaroon ng kasanayan sa iba’t ibang larangan.

Kasama sa programang ito ng TESDA ang Barangay-based Scholarship Program; Online Scholarship Application; Technical Audit of TVET Schools and Programs; Skills Training for Drug Dependents; Skills Training for Entrepreneurs and Family Enterprises; Skills Training Program for Inmates and their Families; Inclusive Training Program for Women; Continuing Program For TESDA’s Alumni; Global Access to/online database of TVET Graduates and Certified Workers; Linkages with Agro-Industry; Linkages with Foreign Skills Training Institutions; Transparency at Moral Renewal.

Kamakailan ay sinimulan na ang Barangay-based Scholarship Program o iyong tinatawag na “Barangay Kasanayan para sa Kabuhayan at Kapayapaan” sa pamamagitan ng pagpapadala ng liham sa mahigit 42,000 barangay chairman sa buong bansa.

Sa pamamagitan nito, kakalap ng datus ang barangay chairmen sa kanyang nasasakupang lugar kung anong training program ang higit na kinakailangan nang sa gayon ay madali itong maibibigay ng TESDA.

Layunin din ng BKKK na mabigyan ng parehas na pagkakataon ang lahat na makakuha ng kasanayan sa anomang larangan para mas maging madali ang paghanap ng mga ito ng maayos na pagkakakitaan.

Nangako rin ang TESDA na gagawin nito ang lahat ng makakaya upang maging madali ang pagpapatupad ng mga programa. ALINGAWNGAW/ALVIN FELICIANO


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Tagalog Quotes – Inggitera Quotes and manloloko quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Top 10 Best “Single” Tagalog Love Quotes


Vimeo 3.17.0 by Vimeo Inc


Lagarto para colorear


Vimeo 3.21.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.8.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tropa Quotes


INUMAN QUOTES


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.18.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.20.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>