Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

MGA KRITIKO VS LABAN SA ILIGAL NA DROGA

$
0
0

AKTIBO ang mga sangay ng United Nations sa pagsubaybay ng mga nangyayari sa bansa nitong nagdaan na mga araw.

Nakatutok ang UN Human Rights Watch sa atin dahil sa pagpatay sa mga sangkot sa iligal na droga.

Sinundan naman ito ng paglalarawan ng Times Magazine na naglalarawan sa Pangulo na nakatutok ang kanyon sa isang mansanas na may “UOD” at tila nagsasabing maliliit lang ang target na napapatay.

Isama natin ang inilabas ng British Broadcasting Corp. tungkol sa nakapanayam nilang Filipina na umano ay “hitman” o “hired killer.”

Kamakailan din, may naglabasang larawan sa pahayagan at social media na grupo ng mga Amerikano (daw) na nagrali sa harap ng Philippine Embassy sa Washington DC na may mga placard na “STOP EXTRAJUDICIAL KILLINGS IN THE PHILIPPINES!”

Totoo at hindi maitatago na sapul nang maupo sa PEOPLES’ PALACE (Malacañan) si Pangulong RODRIGO ROA DUTERTE, umabot na sa mahigit isang libo ang napatay na mga sangkot sa iligal na droga.

Ngunit kalahati lang doon sa mga napatay ang sangkot ang Pambansang Pulisya at ang iba ay gawa ng mga hindi kilalang grupo – vigilantes – na walang karapatang pumatay, iligal at may pananagutan din sa batas!

Alalahanin na noong panahon ng kampanya bago ang May 9, 2016 elections, malinaw na prayoridad ni Pangulong RODY ang pagwasak sa iligal na droga. Sa bawat bitiw ng kanyang pangako sa kampanya, may kasamang mura at banta siya sa mga iligalista.

Nang matapos ang eleksyon, halos 17-milyon ang nakuha niyang boto. Ibig-sabihin, tinanggap siya ng mayorya ng mga Filipino. Alam nila kung gaano kalala ang krimen dala ng bawal na gamot, ang SHABU at mga kauri nito.

Ang mga pulis noong bago dumating si KA DIGONG ay nagsabi mismo, “takot silang galawin ang mga sangkot sa droga dahil malalaki ang kanilang mga protektor hindi lang mga opisyal ng PNP kundi sa administrasyon ng nagdaan mismo! Punyeta!

Nagsulputan ang mga kritiko ng DUTERTE ADMINISTRATION kontra “extra judicial killings” at “violation of human rights” daw. Pero nang tanungin sila ni SENADOR RICHARD GORDON kung bakit ni isa sa mga kritikong ito ay walang ginawa noong panahon nila sa Malacañan – WALANG SUMAGOT.

Obvious, pulitika ang lahat para matakpan ang pagiging inutil ng nagdaang administrasyon kontra iligal na droga. Sila ang nagpapakalat ng maling balita sa UN at dayuhang grupo kasama na ang US CENTRAL INTELLIGENCE AGENCY! BALETODO/ED VERZOLA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Lagarto para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Love Quotes Tagalog


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>