Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

DITO IPAMALAS ANG TIKAS NG GOBYERNO

$
0
0

HINDI tayo mabibiktima ng holdap sa Davao City ika nga ng kampo ni Pangulong Digong Duterte… korek sila marahil riyan!

Pero 15 ang patay habang mahigit 60 ang sugatan makaraang sumabog ang Improvised Explosive Device o IED sa naturang lungsod kamakalawa ng gabi.

Sa aking pananaw ay isa itong pambabastos kay Lolo Digong na mismong sa kanyang bakuran ay iniputan ang kanyang ulo sa kabila ng kanyang pagbibida na payapa at ligtas ang kanyang lungsod.

Pwede itong gawin sa ibang lugar subalit pinili ng mga demonyong salarin na pasabugan ang Davao City na noong gabi na iyon ay naroon pa mismo ang ating Pangulo.

Pambabastos ito sa administrasyong Duterte pero nampu… naman! Maraming sibilyan ang nadamay sa naturang insidente ng pambobomba. Mga demonyo talaga ang may gawa nito!

Sa insidenteng ito’y dapat ipakita ang tikas ng gobyerno na binastos ng mga demonyo. Ipinahiya ng mga demonyong ito ang hangarin ni Lolo Digong na ibalik ang kapayapaan sa ating bansa laban sa kriminalidad.

Lolo Digonggggg… ‘wag kang titiklop sa mga demonyong ito! Biro mo nga noong araw na mismong si Satanas ay kaya mong palitan sa kanyang trono, ‘di ba? Mga kampon niya lang ang mga ito!

Dito na dapat ilabas ang nalalabi pang tikas at husay ng ating mga sundalo at pulis upang tugisin ang mga may kagagawan ng pagsabog na iyon at kapag nasakote na ninyo’y alam na ang dapat gawin sa mga ito.

Sa pagkakataon na ito’y dapat ipatupad ang sinasabing ‘patayan na ito’ dahil malinaw na ito ang gusto ng mga demonyong nagpasabog sa Davao City. Pagbigyan ninyo ang mga demonyong iyan!

Ayaw kong maging emosyonal sa bagay na ito subalit sadyang makabagbag damdamin ang sinapit ng ating Inang Bayan na matagal nang hindi nakaranas ng ganitong insidente kung ihahambing sa ibang bansa.

Ang insidente na ito’y hindi lang para sa Davao City o sa administrasyong Duterte. Laban ng buong bayan ito sa pangunguna ng ating gobyerno. Tugisin at ihawin ang mga salarin!

***
Para sa komento o suhestyon: eksperto71@gmail.com EKSPERTO/JOIE O. SINOCRUZ, Ph.D.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Tagalog Quotes – Inggitera Quotes and manloloko quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Top 10 Best “Single” Tagalog Love Quotes


Vimeo 3.17.0 by Vimeo Inc


Lagarto para colorear


Vimeo 3.21.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.8.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tropa Quotes


INUMAN QUOTES


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.18.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.20.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>