Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

INAYOS NG DFA-MANILA WINASAK NG DFA-LIPA (2)

$
0
0

BAKIT nanggigigil ‘yung hepe ng DFA-Lipa na si OIC Jesusa “Nancy” Garcia?

‘Yan po ang tanong ng nagrereklamong si Talisay Batangas Coun. Pesigan dahil mukhang matindi raw ang galit sa kanya nitong hepe ng DFA-Lipa.

Sabi pa nito “Kung hinarap n’ya lang kami at sabihin na ano ba ang problema? Eh ‘di sana hindi na umabot sa ganito ang sitwasyon!”

MAS GRABE KA PA KAY DIGONG

Feeling n’ya kasi na s’ya ang Boss kaya sa ayaw mo’t sa gusto, susunod ka sa kanila na pumila ka kung gusto mong maasikaso ka ‘kahit na gobernador ka pa ng Batangas’.

Tinalo pa raw nitong si Garcia si Pang. Rodrigo Duterte sa higpit ng kanyang security.

Mabuti pa ang Pang. Digong kahit mahihirap ay pinapapasok sa Malacañan nang hindi na pumipila, pero kay Garcia kahit daw gobernador ka ng Batangas ay kailangang pumila ka dahil s’ya lang ang masusunod sa DFA-Lipa.

YASAY WALANG BINESA SA LIPA

Kahit si Sec. Perfecto Yasay pa raw mismo ang mag-utos ‘tabla’ ka pa rin.

Sa madaling salita, pila ka pa rin! Kaya pala kahit na si Usec. Abadilla na ang tumawag para asikasuhin si Coun. Pesigan sa utos na rin ni Sec. Yasay, ay nagawa pa ring tablahin si Coun. Pesigan ng DFA-Lipa.

BAKA PA-VIP KA NAMAN TALAGA?

Tahasang tinanong ng ULTIMATUM si Coun. Pesigan na… “Baka naman pa-VIP ka talaga?”

Ang sagot nito ay… “Ang gusto ko lang malaman ay kung kanino ko kukunin ang pasaporte ko? Dahil ibang case ‘yung sa akin.”

“Ang masama, hindi alam ng guwardiya na si Pepito at ng Security Officer nito na si Auman kung ano ang isasagot kaya hayun, patay malisya na lang sila, at pilit akong pinapipila.”

“Would you imagine, magtatanong ka lang ng isang bagay, pipila ka pa nang mahabang-mahaba? Makatarungan ba ‘yun?”

“Now! Kung sa regular releasing window talaga kukunin ‘yung passport ko, eh, ‘di tsaka na ko pipila, hindi ba’t mas tama ‘yun?” Tanong pa ng konsehal.

HARAPAN SA SOSIA

Nagkaharapan sa SOSIA sina Coun. Pesigan, NC Lanting Security Guard Rizal Pepito at Security Officer Edgar Auman.

Harapang sinabi ng opisyal ng NC Lanting na mali ang ginawa ni Auman na nilaksan ang kanyang radyo at narinig ng lahat ng nakapaligid na minura ni Garcia si Coun. Pesigan at ipinahuhuli pa sa pulis.

Lumambot naman ang loob ni Coun. Pesigan kay SG Pepito dahil humingi kaagad ito ng dispensa at inaming nagkaroon sila ng pagkakamali.

Pero ang magaling na si Auman ay ipinipilit na naka-blotter na raw ang konsehal sa tulong ng magaling n’yang amo na si OIC Garcia.

TANGA LANG ANG MANINIWALA

Manghang-mangha ang ULTIMATUM sa mga pangyayari… Bakit kamo? Lumipas pa ang dalawang araw bago nagsalang ng blotter itong si Auman sa PNP sa tulong na rin daw ni Garcia.

Aba, eh, kung talagang inagrabyado kayo ni konsehal, eh, ‘di dapat noong July 19, 2016 pa lang mismo, eh, nagpa-blotter na kayo?

Bakit inabot pa ng July 21, 2016? Parang ginamit n’yo na lang na “defense mechanism” ang blotter na ‘yan.

Dahil alam n’yong may reklamo nang isinalang sa SOSIA laban sa mga guard.

He! He! He! Hindi po kami tanga!

Sa susunod ay alamin natin kung ano ang mga resulta sa reklamo ni konsehal at kung bakit mukhang gigil na gigil sa kanya si Garcia.

P100M NI NAPOLES SA LP

Gaano kaya katotoo ang sinasabi ni Atty. Levito Baligod na nagbigay o hiningan kaya ng Liberal Party nitong nakaraang presidential elections ng P100-milyon si Janet Lim-Napoles para sa kampanya ng partido?

Ipagpalagay nating hindi hiningan ng LP si Napoles ngunit kusang nagbigay ito ng nasabing malaking halaga at tinanggap ng mga pinuno ng LP, ano ang ibig-sabihin nito?

Alalahaning nakakulong si Napoles sa bintang na nagmaniobra ito upang mamaibulsa ang halagang P10-bilyong salaping bayan-ngunit sa pakikipagkutsabahan ng mga kongresman, senador at ilang opisyal ng Palasyo mula sa administrasyon nina ex-Presidents Gloria Macapagal-Arroyo at Benigno Aquino III.

Kung totoo, hindi ba pupwedeng pagsimulan ito ng bagong kaso bilang bahagi ng programang “stop” sa korapsyon ng administrasyon ni Pangulong Digong?

SENADOR PANALO KAY NAPOLES

Isa pang balita mula kay Baligod ang pagkapanalo umano isang national candidate sa tulong pa rin ng salapi ni Napoles.

Magkano naman kaya ang pinakawalan ni Napoles para sa senador na ito?

Nakinabang din ba ang senador na ito sa P100M campaign fund ni Napoles para sa LP, bukod sa posibleng hiwalay na pondo na tinanggap nito?

Hindi ba pupwedeng madis-qualify ang ganitong klaseng politiko na ang pondong pampulitika ay galing sa isang bilanggo na pinagbibintangang nagnakaw ng kaban ng bayan?

HINDI MALULULONG SA NAKARAAN

Sinasabi ni Pang. Digong na hindi siya malululong sa nakaraan kundi higit nitong isusulong ang maganda para sa mahal kong Pinas ngayon at buong panahon nitong panunungkulan.

Pero ang batas ay sadyang hindi mapagpatawad sa mga mandarambong at korap na buong pinanghahawakan din ng Pangulo.

Ano kaya ang masasabi rito ni Ombudsman Conchita Morales at pupwede kaya nitong pairalin ang inisyatiba ng Office of the Ombudsman para mag-imbestiga rito?

oOo
Anomang reaksyon o reklamo ay maaaring i-text o itawag sa 09228403333. ULTIMATUM/BENNY ANTIPORDA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Lagarto para colorear


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>