Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

TAMAD NA COP NG MALABON CITY, PASIPAGIN NATIN

$
0
0

ANG chief-of-police daw ng Malabon na ubod nang tamad ang ating pasisipagin sa kanyang katamaran na siyang dahilan upang ireklamo siya ng kanyang mga constituent sa nasabing lungsod.

Kasabay nito ay ipanawagan na rin natin kay NCRPO chief Gen. Oscar Albayalde ang katamaran ng kanyang pulis. E ‘pag ganyan nang ganyan ay wala nga siyang mahuhuling kriminal at drug pusher o user.

Basahin natin ang nilalaman:

Pareng Johnny, magandang araw. May irereklamo sana ako sa iyo tungkol dito sa aming OIC chief of police ng Malabon na si S/Supt. John Chua na tamad na manghuli ng mga drug pusher at drug user sa aming lungsod dahil lagi siyang nakakulong sa de-aircon niyang office.

Alam mo ba, Pareng Johnny, nagkalat ang mga shabu sa Barangay Dampalit, Catmon, Tonsuya, Panghulo, Concepcion, Lungos at Niyugan na kung saan ay parang candy lang kung ilako ng mga tulak ang kanilang mga shabu sa lugar na ‘yan.

Ayon sa report ng Kampo Crame, pinakakulelat sa lahat ang Malabon laban sa kriminalidad at hanggang ngayon, ‘di pa nalulutas ni Sr/Supt. Chua ang pagpatay sa ex-barangay at ex-city councilor na si Eddie Nolasco kasi natutulog siya sa pansitan.

Ayaw gumala at magpunta sa 21 barangay na nasasakupan niya si S/Supt. Chua para alamin kung saan-saang lugar nagtatago ang mga pusher at user.

Pati mga kapwa niya pulis tuloy ay sinusuka siya sa sobrang tamad niyang gumala.

Pati nga ‘yung kaso ni ex-City Councilor Nolasco ay tinulugan niya. Ayaw niyang gawan ng masusing imbestigasyon at kung ako si Malabon Mayor Lenlen Oreta, dapat sibakin ko na ang police official na ito.

Sana Pareng Johnny, sa pamamagitan ng inyong kolum ay maiparating ninyo kay Pres. Rodrigo Duterte ang katamaran na manghuli ng mga pusher at drug addict na chief-of-police ng Malabon.

Maraming salamat sa iyo at mabuhay ka.

PASUGALAN SA TABI NG SIMBAHAN

Ang tindi ng kung sinoman ang operator ng puwesto pijo na color games sa Tondo, Manila.

Hindi na binigyan ng galang ang simbahan ng Sto. Niño sa Tondo na ilang metro lang ang layo nito mula sa nasabing simbahan.

Ang matindi pa rito, ang puwesto pijo na ito’y ilang hakbang lang din mula sa PS-2.

Ngayon, paano ako maniniwala na makahuhuli ang mga pulis dito ng mga tulak at user?

‘Yung pasugalan nga lang na natatanaw nila pero ‘di nila makita, ‘yun pa kayang droga na mas malayo nang kaunti sa kanila?

Utot n’yo, tangna n’yoooo! Hehehe.

***
Anomang puna o reklamo, i-text sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Lagarto para colorear


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>