Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

DROGA TALAMAK SA MABALACAT

$
0
0

TILA wala na raw pinipiling araw at oras ang mga drug pusher at drug addict sa Pineda Subd., Dau, Mabalacat, Pampanga sa ginagawa nilang lantarang bentahan ng droga sa Ilang-Ilang St. na mas kilala sa mga taga-roon na “Dapa-Dapa St.”

Aba’y ibang klase raw kung magbentahan ng illegal drugs sa lugar na ito dahil mismo sa kalsada lamang nag-aabutan ang mga tulak, adik at mga parokyanong talamak na gumagamit ng ‘tobats.’ Kung minsan pa nga ay sa bangketa pa sila umano nagre-repack ng shabu.

Ang matindi pa rito,‘yung bangketa raw na kung saan nagre-repack ng iligal na droga ay katabi lang mismo ng bahay ni Mabalacat Mayor Boking Morales.

O, Mayor Morales, aba’y minsan nang nasangkot ang pangalan n’yo sa listahan ng mga sangkot sa droga ni Pang. Rodrigo Duterte. Isa umano kayong protektor ng illegal drug trade sa inyong bayan sa Pampanga.

Aba, mayor, magpakitang-gilas ka naman para maipakita mo na hindi ka protektor o sangkot sa ipinagbabawal na illegal drugs. Mantakin ninyo, mayor, abot-tanaw lang mula sa bahay ninyo ang ginagawang pagre-repack ng iligal na droga sa bangketa kaya imposibleng hindi ninyo alam. Hehehe.

Ang nakapanlulumo, pati mismo ang ilang tricycle driver na miyembro pa naman ng Tricycle Operators and Drivers Assn.(TODA) sa nasabing subdibisyon ang pagtutulak ng droga ang ginagawa sa halip na magsakay ng pasahero. (Diyos ko po, ano ba ito?)

Ang tanong bakit ganito kalakas ang loob ng mga ito? Sino bang lintik na pumoproteksyon sa mga ito?

Kaya hayun, marami nang naninirahan sa subdivision ang natatakot sa patuloy na operasyon ng illegal drugs sa kanilang lugar. Pero ang ipinagtataka nila, sa kabila ng matinding kampanya ng gobyerno laban sa salot na droga ay hindi natitinag ang lugar.

Natutulog ba raw sa pansitan si Mabalacat Chief of Police Sr./Supt. Roel Gagate? Aba’y hindi niya alam na talamak na ang bentahan ng illegal drugs sa kanyang nasasakupan at ni hindi niya nga kilala kung sino si Mario Tolentino alyas Karakwak.

DROP BALL TAMBAYAN NG MGA ADIK AT TULAK

Sa Nueva Ecija, patuloy ang pwesto pijo ng drop ball nitong si Nelma sa Cabanatuan City at paborito ito na tambayan ng mga drug addict at tulak ng illegal drugs.

Samantala, patuloy namang nagbubulag-bulagan si Cabanatuan Chief of Police Supt. Ponciano Zapra. Hindi ko lang alam kung bakit at hindi ko rin sinasabing malaki ang lagay ni kernel mula sa nasabing pasugalan.

***
Anomang puna o reklamo, i-text sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Lagarto para colorear


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>