Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

MGA OFW AT DIGONG VERSUS OBAMA

$
0
0

KUNG hindi tayo nagkakamali, nakapag-uwi na ang pamahalaang Duterte ng nasa 400 overseas Filipino worker mula sa 11,000 na nawalan ng trabaho, sahod at stranded sa Saudi Arabia.

Siyempre pa, bukod sa mga pagkilos ng mga OFW na umuwi, magkasamang tumulong ang mga pamahalaan ng Pilipinas na naglaan ng P500-milyon at Saudi Arabia, lalo na ang kanilang hari, na naglaan din ng halagang P1-bilyon para sa pag-aayos ng mga papeles, pamasahe, gamot, pagkain at iba pang pangangailangan ng mga OFW.

BAGSAK NA EKONOMIYA

Mag-iisang taon nang bagsak ang ekonomiya ng Saudi Arabia dahil sa pagbagsak ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado na siyang pangunahing ikinabubuhay nito.

Dahil dito, kinansela o binawasan ng pamahalaang Saudi ang mga proyekto nito na nagbunga naman ng pagsasara o pagliit ng trabaho ng maraming kumpanyang kakontrata nito.

Sa mga kumpanyang ito galing ang higit na nakararami sa mga nawalan ng trabahong OFW na nagbunga naman ng gutom, pagkakasakit at pagbebenta ng sariling dugo, pagkalkal ng basura at pamamalimos nila upang mabuhay.

Mayroon pa ngang namatay at nagpakamatay sa mga ito at hanggang ngayon, ang bangkay nila ay hindi pa niuuwi.

PINAGSISIBAK

Kabilang sa mga unang ginawa ng pamahalaang Duterte ang pagsibak sa mga opisyal ng pamahalaan na nakatalaga sa Sauna naging pabaya at hindi kumilos para kalingain ang mga OFW o nagtatago ng tunay na kalagayan ng mga ito.

Kasabay nito ang pagpapadala mismo ng pamahalaan ng Kalihim ng Paggawa o Department of Labor para pamunuan nito ang pag-ayuda sa mga OFW, kasama ang mga doktor at iba pa.

Nakipag-ugnayan din sila sa hari at pamahalaang Saudi para malutas ang mga papeles ng mga gustong umuwi, paggawa ng paraan na matanggap ang kanilang sahod at paghahanap na rin ng posibleng empleyo sa Saudi pa rin o sa ibang bansa sa mga ayaw umuwi ng Pilipinas.

Marami ang naiwan para makipagsapalaran dahil wala naman silang madaratnang ikabubuhay sa Pinas at kung mayroon man ay puro gutom at paghihirap pa rin ang bunga.

P20K + P6K

Ang pagkakaalam natin, mga Bro, pagdating ng mga OFW sa mahal kong Pinas, kumilos agad ang Department of Social welfare and Development para alalayan ang mga ito.

Panimulang ayuda ang ibinigay sa mga ito ang P20,000 financial assistance sa bawat OFW at P6,000 naman para sa bawat pamilya.

Kasabay nito ang pagtulong sa mga ito na makahanap ng trabaho upang makapagsimula muli sa buhay.

Sa kabuuan, mga Bro, ang mga aksyong ito ang ating hinahanap mula sa pamahalaan.

Dati-rati, puro kapabayaan ang ating naririnig at sinasalbahe pa ang mga OFW ng mga ito.

‘Yun bang === impiyerno pala ang kalagayan ng mga OFW.

DUTERTE VS OBAMA

Nagtampo at kinansela ni American President Barrack Obama ang pakikipagpulong nito sana kay Pangulong Rodrigo ‘Digong’ Duterte kahapon.

Katwiran ni Obama, walang patutunguhan ang kanilang pag-uusap makaraang gumawa si Pang. Digong ng paninindigan ukol sa mga isyu na ibinabato sa kanya ng mga Kano ukol sa human rights.

Pinagbibintangan ng ilang Kano ang administrasyong Duterte ng genocide o maramihang pagpatay kaugnay ng ulat na umabot na 2,400 katao patay sa ilalim ng giyera sa droga na idineklara ni Digong.

Ibinabato kay Digong ang bintang na bukod sa kwestiyunable umanong pagpatay sa mga sangkto sa droga, ito rin ang nasa likod ng mga extrajudicial killing umano.

Sumagot naman si Digong na ang mga Kano ang may masamang rekord sa human rights sa daan-daan libong bata, matanda, babae at lalaking pinatay ng mga ito, halimbawa, sa Irag nang giniyera nila si Saddam Hussein na lider nito.

INDEPENDIYENTE ANG PINAS

Bago lumipad si Digong sa Laos para dumalo sa miting ng mga lider ng mga bansang kasapi ng Association of Southeast Asian Nations, sinabi nitong independiyenteng bansa ang Pinas at hindi dapat na pakialaman ng iba, maging sa pagpapairal nito ng karapatang-pantao.

Mariing nanindigan si Digong na hindi ito maninikluhod o yuyuko sa kahit kaninong dayuhan o lider ng ibang bansa sapagkat pantay-pantay ang lahat.

Tanging sa sambayanang Filipino lang siya yuyuko, lalo na ang mga mahihirap at 16-milyong bumoto sa kanya.

oOo
Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o i-text sa 09214303333. ULTIMATUM/BENNY ANTIPORDA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.7.0 by Vimeo.com, Inc.


PreSonus FireBox - handly interfaccia


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog Long Distance Relationship Love Quotes


Top 10 Best Tagalog Friendship Quotes and Sayings | mrbolero


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.21.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.5.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.


Inggit Quotes and Kabit Quotes – Tagalog Patama Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


5 Tagalog Relationship Rules


Re: lwIP PIC32 port - new title : CycloneTCP a new open source stack for...


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.5.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>