HINDI na talaga basta-basta magpapaiwan itong Catholic school sa Caloocan City, ang St. Gabriel Academy (SGA) kung ang pag-uusapan ay husay ng mga mag-aaral nito at pagiging competitive kumpara sa ibang schools sa Metro Manila.
Tulad na lang ng natanggap nito na award bilang 2nd Highest on Lexile Growth sa ginanap na Scholastic National Readers Cup 2016 kamakailan sa EDSA Shangrila Hotel kung saan mismong si Mr. Frank Wong, president ng Scholastic Asia, ang nagbigay ng prestihiyosong award.
Siyempre, ang ganitong achievement ay ‘di mangyayari kung wala ang dedikasyon at galing ng buong faculty nito sa pamumuno ng principal na si Rev. Father Kennedy Neral kasama rin ang mahusay na program consultant, si Ms. Tina Gutierrez.
Tunay na ‘palaban’ na ang SGA, ang school ng aking anak na si Levienne (Grade-8) na talaga namang aking maipagmamalaki pati ng kanyang mother na si Pinangga (Josephine) dahil sa malaking improvement n’ya both on academics and extra-curricular activities, thanks much sa guidance!
Next year, go na go na ito sa Senior High School (K-12). Sa academic track, open ito sa mga kursong Accountancy, Business and Management (ABM), Humanities and Social Sciences (HUMSS), Science, Technology, Engineering and Mathematics (STEM) at General Academic Strand (GAS).
At sa technical-vocational track naman, nand’yan ang Information Technology Specialization at sa ilalim natin ay ang Computer Programming at Computer Hardware Servicing at sa Home Economics Specialization naman ay napapaloob dito ang Cookery, Housekeeping, Food and Beverage Services at ang Bread and Pastry.
Kung lalong tataas ang bilang ng mag-aaral sa susunod na enrolment dahil talaga namang kalat na at marami pa ang bumibilib sa ipinakikitang galing ng SGA.
Go, go, go Gabrielans!
HOUSE OF PRAYER, TUNAY NA MAGANDANG EHEMPLO!
NUMERO unong sumasaludo ang inyong lingkod sa maganda at tunay na maka-D’yos na ginagawa nitong House of Prayer (Caloocan-Malabon-Makati) flock na kamakailan ay nagdiwang ng unang taon ng pagkakatatag nito na ginanap sa Brgy. Longos, Malabon sa pangunguna nina Bishop Noy Patiño at sina Pastor Noel Lazaro, Pastor William (block leader), Pastor Romy Bernabela at Pastor Bert.
Malaki rin ang kanilang pasasalamat sa suporta na binibigay ng actress at kasalukuyang Longos chairwoman na si Angelika dela Cruz.
Mas lalo kang bibilib sa youth members nito kung saan nagsagawa sila ng musical Christian concert sa nasabi ring barangay kung saan, again, my lovely and super-ever beautiful daughter (Levienne) ay bahagi nito bilang electric guitarist.
Ang iba pang bumubuo ng mahusay na grupo ay sina Lana Lazaro, Nica Cogay, Faith Bernabela at Timothy Paul Bernabela bilang singers.
Ang iba pa’y sina Lance Lazaro, Pastor Mark at Pastor Ian on electric guitar samantalang si Timothy Patiño naman sa bass guitar at sina James Patiño at Hanah Bernabela naman sa drums.
Minsang nakinig ang inyong lingkod at tunay namang nakai-inspire ang ‘words of God’ na kanilang pini-preach kung kaya’t lalong dumarami ang kanilang nahihikayat na tao na maging mas malapit sa Panginoon.
Mabuhay ang House of Prayer! GOOD RIDDANCE/ARLIE CALALO