Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

PARUSANG KAMATAYAN KAY VELOSO IPINAGPALIBAN MULI

$
0
0

ANG pakikipagtagpo ni President Duterte kay Indonesian President Joko Widodo ay para pag-usapan ang mga Filipino na nakapiit sa kanilang mga selda, kabilang na ang nasentensyahang drug mule na si Mary Jane Veloso.

Sinabi ni Duterte kay Widodo na nirerespeto ng Pilipinas ang batas ng Indonesia sa iligal na pangingisda at droga. Gayunman, aapila siya ng “clemency” para sa mga nakakulong na Filipino sa Indonesia.

Ang tinutukoy ng ating Pangulo ay ang 105 Filipinong mangingisdang nahuli ng Indonesian Navy, kabilang ang anim na miyembro ng crew ng dalawang supply ship na walang dalang gamit na pangisda.

Natural lang asahan na kabilang si Veloso sa inapila ni Duterte. Si Veloso ay nahatulan sa pagpupuslit ng droga at nasentensyahan ng kamatayan sa Indonesia.

Matapos ang pakikipagpulong ni Duterte kay Widodo sa Jakarta ay kinumpirma ni Foreign Affairs Sec. Perfecto Yasay, Jr. na ipinagpaliban pansamantala ng Indonesia ang parusang kamatayan kay Veloso.

Personal namang pinasalamatan ni Agriculture Secretary Manny Piñol si Duterte dahil iniharap nito sa Pangulo ng Indonesia ang kaso ng mga Filipinong mangingisda.

Ayon kay Piñol, pumirma sina Duterte at Widodo ng pinagkaisang deklarasyon ng kooperasyon sa paglaban sa mga pirata sa Pilipinas at Indonesia. Bukod dito ay nagkasundo sila na magtutulungan sa kampanya laban sa droga.

Pero niyanig ng kontrobersya ang usapang Duterte-Widodo nang maulat na pinayagan ng Pangulo ng Pilipinas na bitayin si Veloso sa Indonesia.

Nilinaw ng Malacañan noong Lunes na sinabi ni Duterte kay Widodo na nirerespeto niya ang kanilang prosesong panghukuman at tatanggapin ang anomang desisyon na kanilang mararating sa kaso ng Filipina.

Iginiit ni Yasay na ang parusang kamatayan kay Veloso ay hindi muna matutuloy. Sinabi rin niya na mali ang ulat na pinayagan ni Duterte ang pagbitay kay Veloso.

Isasalang sana si Veloso sa “firing squad” noong isang taon pero ipinagpaliban ito ni Widodo. Ito ay matapos iulat ng Maynila na nasa kanila ang illegal recruiter na nagtanim ng heroin sa bagahe ni Veloso.

Sinasabi ni Veloso na biktima siya ng human trafficking. Inosente raw siya at sinisisi ang kanyang recruiter na nanloko sa kanya para magpuslit ng heroin sa Indonesia.

Anomang apila o pagsisikap ang gawin ni Duterte, ang huling desisyon ay nakasalalay kay Widodo at kung ikokonsidera niya ang pahayag ng Filipina.

Ang mga Filipino, lalo na ang pamilya ni Veloso, ay maaari lang umasa at magdasal para sa kanyang kaligtasan at clemency.

***
SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksyon, mag-email sa firingline@ymail.com o mag-tweet sa @Side_View. FIRING LINE/ROBERT ROQUE, JR.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Tagalog Quotes – Inggitera Quotes and manloloko quotes


Tropa Quotes


INUMAN QUOTES


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.18.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.20.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Lagarto para colorear


Love Quotes Tagalog


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Top 10 Best “Single” Tagalog Love Quotes


Vimeo 3.17.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.19.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.21.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.8.2 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>