Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

YOLANDA SURVIVORS LUGMOK PA RIN

$
0
0

NAKADIDISMAYA itong balitang halos hindi umuusad ang reconstruction and rehabilitation program sa Tacloban City at iba pang lokalidad na winasak ng super-typhoon Yolanda noong November 8, 2013.

Anong anomalya ba ang nangyayari riyan at 19,330 bahay pa lamang ang natatapos, ayon sa pag-uulat kamakalawa ng Social Watch Philippines?

Idagdag man ang 98,393 na ‘di pa tapos ay mahigit kalahati lang ang total na ‘yan sa planong 205,128 pabahay para sa mga survivor ng naturang kalamidad.

Aabot sa 4.1-milyon katao ang nawalan ng tirahan at 1.1-milyon kabahayan ang nasira.

Mahigit 6,300 katao ang nasawi at marami pang nawala nang lamunin ng napakalakas na bagyo at pagbabaha ang naturang lugar.

Ang tanong: Saan napunta ang milyon-milyong dolyar na nakalap mula sa iba’t ibang bansa at inilaan ng gobyerno?

Bakit napakaliit na porsyento lamang ng target na housing units para sa mga komunidad na nasalanta ang nagawa ng nakaraang administrasyon?

Sa kabila ng sandamukal na tulong ng world community, bakit hindi pa nagkakaroon ng maayos na tirahan ang mga survivor ng Yolanda tragedy makaraan ang halos tatlong taon?

Nakamasid ang buong mundo sa ating ginagawa para tulungang makabangon ang nalugmok nating mga kababayan.

Kung sabagay, natapos ang anim na taong termino ng nakaraang administrasyon ngunit hindi naramdaman ng masang Filipino ang makahulugang pag-angat ng kabuhayan.

Ang kinahinatnan ng Tacloban at iba pang lokalidad ng Leyte at Eastern Samar na winasak ng Yolanda ay nahahalintulad sa kinahinatnan ng buong bansa sa korapsyon at katiwalian sa mga nagdaang taon.

Iyan ang dapat busisiin ng kasalukuyang administrasyon!

oOo
Welcome po ang inyong mga reaksyon, opinyon at reklamo. I-email lamang po sa etulfo2011@yahoo.com o bisitahin n’yo kami sa Erwin Tulfo Action Center sa 2nd Floor, Quedsa Plaza, Quezon Ave. cor. EDSA, Quezon City, 9am-4pm Monday-Friday. DEADSHOT/ERWIN TULFO


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Tagalog God Quotes to inspire you


Best Papa jack Love Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Patama Quotes at Selos Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Inspirational Love Quotes Collection


Inggit Quotes and Taray Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES