Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

MGA KRITIKO NI KA DIGONG? EH, ‘DI GUNGGONG!

$
0
0

NAKAHIHIYA raw at nakaiiyak ang huling ginawa ni Pangulong RODRIGO ROA DUTERTE nang payagan daw nito na bitayin na si “drug-mule” Maryjane Veloso sa Indonesia.

Galing si Pangulong Duterte sa Association of Southeast Asian Nations Summit sa Vientiane, Laos at dumiretso sa Indonesia sa paanyaya ni Indonesian President Joko Widodo para sa kanilang working visit.

Doon, mismo ang hepe ng anti-drug commission ay nagpahayag ng todo-suporta kay Pangulong RODY sa laban ng Republika ng Pilipinas kontra iligal na droga. Sa katunayan, kokopyahin nila ang estilo ng Pilipinas!

Matapos ang pulong nina Duterte at Widodo ay nagpahayag sila sa harap ng media roon. Tandaan natin na ang Indonesia ay hindi sanay sa fluent English. Kaya sa pagsagot ni President Widodo ay sa wikang Bahasa isinasalin naman ng kanyang interpreter.

Isang American media ang naroon. Si ADAM HARVEY ng ABC Channel bilang Indonesian correspondent ng nasabing cable media network.
Isinulat niya ang sagot nang hindi bihasa na mag-Ingles na si WIDODO na, “President Duterte has given the go-signal to proceed with the execution (of Maryjane Veloso?)!

Hayun na. Nagulo na ang pansitan ng mga tagahatid ng balita, lalo na sa bansa nating mahal. Sinamantala ito ng isang bayaran na PR group ng nagdaang rehimen na inutil at pabaya. Sila ngayon ang pumupostura bilang mga kritiko ng Pangulo.

Si ADAM HARVEY ay bayaran at operator ng American Central Intelligence Agency (US CIA) na nag-anyong media personality. Isa lamang siya sa maraming operatiba ng CIA na nakakalat sa iba’t ibang bansa para gumawa ng mga isyu na makasisira sa magkakalabang politiko sa mga bansa.

Dahil mahina nga sa Ingles si Indonesian President JOKOWI WIDODO ay isinalin ito ng kanyang interpreter at ang sinabi sa tama ay, “sa pag-uusap namin ni Pangulong Duterte ng Pilipinas, nasabi niya (Duterte) na go ahead, igagalang nila ang pagpapatupad sa aming mga batas…”

Napakalinaw ang ginawang pagtutuwid ng interpreter pero pinanindigan ng mga bayarang media at kritiko na manatili sa posisyon na pagpayag daw ni Pangulong DIGONG na bitayin na si Maryjane Veloso?

Naalala ba ninyo noong araw na dapat ay kasama na si Maryjane sa firing squad? Tinakot ng America, Britanya, China at India ang Indonesia na kapag tinuloy ang pagbitay (pagbaril) sa kanilang mga kababayan ay parurusahan nila ang Indonesia. May nangyari ba?

Saka teka, hindi ba ang kaso ni Maryjane ay dapat inasikaso ng rehimeng Noynoy Aquino noon at dapat ay tinapos na nina DE LIMA at mga barkadahan niya? Anyare? Puro ba kagunggungan? BALETODO/ED VERZOLA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Top Tagalog Love Quotes Online Collections


Mga Patama Quotes and Banat Tagalog Love Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Vimeo 3.17.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.19.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Lagarto para colorear


Love Quotes Tagalog


Two timer Sad tagalog Love quotes


Tagalog Love Quotes 2014 – Best Online Collections


Tagalog God Quotes to inspire you


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.18.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.21.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.8.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>