NAAAWA ako, mga suki, rito sa testigong si Edgar Matobato, ang nagsabing siya raw ay hitman ng Davao Death Squad (DDS). Ako po’y naaawa hindi dahil sa talagang kawawa siya.
Naaawa ako dahil parang lalo siyang gustong ipapatay…ni Sen. Leila de Lima…sa pamamagitan ng “kurot” ng DDS o Duterte Die Hard Supporters (DDS).
Aba’y malinaw na inilagay lang ni De Lima sa isang hukay ang paa ni Matobato. Pinag-ingay niya si Matobato sa Senado o mistulang pinaghuramentado, dala ang isang bomba na nang paputukin ay “supot” pala.
Maging ang “DDS” ay gustong pagsasabunutan si De Lima. Halatang-halata kasi ang senadora na “lover ng kanyang driver” sa nais ng pinamumunuang pagdurog, este, pagdinig.
‘Yun na nga, gusto lang durugin ni De Lima si Pangulong Duterte at palabasin itong berdugo.
Ang sa akin naman, e, ano kung berdugo si Duterte? Basta ang mga pinapatay ay kriminal at ulanghiya sa lipunan.
Sorry ha, hindi po kasi ako pari o pastor kaya gusto kong maubos o mamatay na ang mga drug pusher at kriminal na salot ng lipunan.
Isama na rin ang mga “yellowtard” na nagmamalinis pero masahol din palang magsipagnakaw.
***
Problema ngayon ni De Lima kung saan itatago si Matobato dahil lalo nga niyang ipinahamak ang buhay ng mamang ito.
Hindi kasi pumayag si Senate President Koko Pimentel na ikustodiya ng Senado si Matobato dahil malinaw na bagsak ang kredibilidad nito para maging “state witness.”
Hindi nga naman gunggong si Pimentel para bigyang proteksyon ang isang testigong halata namang “sinusian” ng grupong “dilaw” ni De Lima para wasakin ang administrasyong Digong.
Kung hindi sa kangkungan, saan pupulutin si Matobato? At sa malamang kapag may nangyaring masama sa testigo kunong ito, tiyak na ibibintang ‘yan kay Duterte.
Hindi ako nagsusugal, pero pustahan tayo!
***
Buking, mga suki, ang gustong gawing senaryo ng “yellowtards” o ng mga “abnormal na dilawan”, kasabay ng imbestigasyon ni De Lima sa extrajudicial killings “ekek” na ‘yan.
Napanood n’yo ba? Hindi naman sumentro talaga sa summary killings na nangyayari ang pagdurog, este, pagdinig noong Huwebes.
Mas tumutok ito sa mga utos na pagpatay raw ni Pres. Rody o ng Davao Death Squad sa mga kaaway at kriminal sa lungsod noong siya pa ang alkalde nito.
Habang nagaganap kasi ang hearing sa Senado, may mga kumakalat na panawagan sa text na magtungo ang taumbayan sa People Power Monument sa EDSA para manawagan ng pagbibitiw ni Pangulong Duterte.
Walang “kumagat” dahil wala nang “kakagat” sa panlilinlang na ‘yan. Panis na kung baga.
At kinabukasan, isang “malaking balita” ang lumabas na nagsasabing nadismaya raw ang Amerika at ang United Nations sa extrajudicial killings na gawain ni Pangulong Rody.
Kingina! Pakelam namin sa inyo! Basta kami ay masaya at kuntento dahil unti-unting nabubura sa Pilipinas ang mga drug pusher at kriminal.
Isusunod na rin ang mga “yellowtard” na magnanakaw at protektor ng droga. Kung hindi sa kulungan, magsasama-sama sila sa mental. KANTO’T SULOK/NATS TABOY
