ITULOY natin ang pagtalakay sa pagiging swerte ng Metro Manila sa pagkakaroon ng mga opisyal ng pulis na katulad nina Romulo E. Sapitula ng Eastern Police District at PSSUPT. Guillermo Lorenzo T. Eleazar ng Quezon City Police District.
Mula sa pagiging hepe ng MPU ng taong 1997 ay nalipat itong si Sapitula sa DPIU, Station 3, tapos nag-Station 1 sa Tondo, balik uli ng Station 3 at ang pinakahuling assignment niya sa Maynila ay sa Ermita Police Station 5.
Jan. 10, 2010 ay lumabas na ng Maynila itong si Sapitula at naging hepe siya ng RSSG sa NCRPO Bicutan kung saan dito niya nakuha ang kanyang ranggong Sr./Supt ., at sa kanyang nakuhang promotion ay naging chief-of-police siya ng Muntinlupa tapos Las Piñas bago siya napunta ng CALABARZON.
After ng Calabarzon ay muling bumalik ng NCRPO itong si Sapitula kung saan ay itinalaga naman ni NCRPO Chief Oscar Albayalde bilang district director ng EPD at dito naman niya nasungkit ang kanyang estrella.
Ito namang si PSSUPT. Guillermo Lorento T. Eleazar, bagama’t dalawang buwan ko pa lang nakakasama sa QCPD, ay napahanga naman ako sa mamang ito sa kanyang pagiging low profile at sa pagiging “adik” sa trabaho bukod sa pagiging kalog din.
Noong unang salta nitong si Eleazar sa QCPD ay inakala naming suplado at mahirap pakibagayan.
Pero maling-mali kami dahil sa unang araw pa lang nito bilang district director ay nakita agad namin ang totoong Col. Eleazar.
Hindi tuloy namin maiwasang maikumpara itong si Col. Eleazar sa mga nagdaang DD ng QCPD, tulad na lang ng pagiging mabait at down to earth na ugali nito at ang pagiging kalog, mabait at pagiging approachable nito sa tao.
Sa taglay na kabaitan nitong si Eleazar ay nakita namin sa kanya ang ugali ni dating QCPD at NCRPO Director Joel D. Pagdilao na kalog, approachable at hindi mahirap pakisamahan.
Ito rin ang ugali ni dating QCPD at PRO 4-A Director PCSUPT. Richard A. Albano.
Saan naman kayo nakakita ng, bukod sa pagiging DD ng QCPD ay siya rin ang PIO Chief at Spokesperson?
Sana pagdating ng panahon, saanman mapunta at makarating sina Gen. Sapitula at soon to be Gen. Eleazar, ay manatili pa ring naka-tapak sa lupa ang inyong mga paa. LILY’S FILES/LILY REYES
