Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

DE LIMA SIBAK AT TUNAY AT PEKENG IMBESTIGASYON

$
0
0

KANYA-KANYANG imbestigasyon ngayon ang Senado at Kamara sa magkaibang usapin.

Ang imbestigasyon ni Sen. Leila de Lima ay maliwanag na laban kay Pangulong Rodrigo ‘Digong’ Duterte ukol sa extrajudicial killings umano.

Sa Kamara, laban naman kay De Lima ang imbestigasyon ukol sa paglaganap ng droga noong panahon niya bilang kalihim ng Department of Justice.

Ayon kay De Lima, sham o huwad o peke ang imbestigasyon laban sa kanya ng House Committee on Justice.

Ayon naman sa nakararaming senador mismo, ginagamit lang ni De Lima para sa kanyang pansariling layunin ang imbestigasyon ng kanyang Senate Committee Justice and Human Rights.

DE LIMA, MAY PERA

Ayon sa mga taga-Kamara, hindi nakasentro kay De Lima ang imbestigasyon kundi sa pangkalahatang pangyayari na paglaganap ng droga sa bansa na nauugnay sa National Nnational Bilibid Prison sa nakaraang mga panahon.

Nagkataon lang na naganap nang husto ang pangyayari sa panahon ni De Lima bilang may awtoridad noon sa NBP dahil siya ang kalihim ng Department of Justice na nangangasiwa sa NBP.

Ang kung nasasangkot man si De Lima ngayon, ito’y dahil sa akusasyon na nangotong siya o kung hindi naman ay malaking halaga ng salapi ang dinadala ng mga druglord ng NBP mismo kay De Lima para sa kandidatura nito bilang senador o iba pang interes ng noo’y kalihim.

ISTAYL BULOK

Ayon sa mga nakarinig at nakapanood sa huling pagdinig ng komite ni De Lima na dinaluhan ni Edgar Matobato na nagpakilalang miyembro ng Davao Death Squad bilang isang resource person, nakapagtatakang wala sa sakop ng imbestigasyon ang testimonya o kwento nito.

Sa halip na pag-usapan ang EJK umano ukol sa droga, ‘yung mga pinaggagawa niya, bilang DDS, sabay nguso ng iba, lalo na kay Pangulong Digong, ang inatupag nito.

Ang naging problema rito, lumalabas na maraming hearsay o kwento lang ng iba ang kinuwento nito at naging alanganin ang mga sagot niya kung totoong si Pang. Digong o anak nitong si Paulo ang direktang may kinalaman sa DDS at pagpatay ng mga ito ng mga kriminal, sangkot sa droga, rapist, kidnaper at iba pa.

Nauwi tuloy ang lahat sa paniniwalang may ibang si De Lima ay ginagamit nito ang kanyang komite para siraan lang si Pang. Digong, lalo ipinipilit nitong importante umano ang testimonya sa EJK na maliwanang namang kaibang usapin sa pinagdadaldal ni Matobato.
maraming testigo

Sa kabilang banda, magsisimula ngayon ang imbestigasyon sa Kamara at inaanyayahan ng mga kongresman si De Lima na dumalo.

Nakapagtatakang lantarang sinasabi naman ni De Lima na sham o peke ang imbestigasyon ng Kamara.

At tanging ang kanyang imbestigasyon ang tunay? Hehehe!

Marami ang tetestigo ukol sa pamemera o pagtanggap umano ng malalaking pera na galing sa druglord ni De Lima.

May nagsabing tumatanggap noon si De Lima ng P3 milyong kada buwan mula sa mga druglord.

Nakaipon pa nga umano si Madam DOJ Secretary noon ng nasa P16M. May nagsabi ring nagdala siya ng P5M kay De Lima.

Sa pagdinig sa Kamara, magandang makinig ang mga mamamayan at nasa kanila ang pagpapasya kung magiging totoo o hindi ang pinagsasabi ni De Lima na peke ang imbestigasyon sa droga.

MAS MATAAS KAY DE LIMA

Ang isang magandang bantayan ay kung sino o sino-sino ang mga mas mataas kay De Lima noon na sangkot sa droga.

Dahil kung makikilala ito at magkakatotoo ang testimonya ng mga resource person, aba, napakalaking sampal ito sa pamahalaan.

Masasabi nating kaya nasisira ang buhay ng milyon-milyong mamamayan ay dahil sa kagagawan ng mga matataas na opisyal ng pamahalaan.

Isang dahilan ang pagkagahaman sa pera sa droga ng mga matataas na opisyal ng pamahalaan.

Sabagay, sa listahan mismo ni Pang. Digong, may mga kongresman, senador, heneral ng pulisya, gobernador, mayor at kapitan na sangkot sa droga.

PAKPAK BINALI

Dahil sa inasal ni De Lima sa sarili nitong imbestigasyon, sinibak o binalian siya ng pakpak ng nakararaming senador bilang tserman ng kanyang komite at naging miyembro na lang habang sina Sen. Dick Gordon at Ping Lacson ang naging chairman at vice chairman.

Sinisira rin umano ni De Lima ang imahe ng Pinas sa mga dayuhan.

oOo
Anomang reaksyon o reklamo ay maaaring iparating sa 09228403333 o i-email sa bantiporda@yahoo.com ULTIMATUM/BENNY ANTIPORDA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Best Papa jack Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>