MAHUHUSAY ang tagasulat-sumbong-kuwento mayroon ang Liberal Party. Pamoso rin ang kanilang tropa ng public relations at mahal maningil sa kanilang mga kliyente. Wala silang pakialam masira man ang bansa natin at sambayanang Filipino.
Unang araw pa lamang ng kampanya para sa eleksyon Mayo 2016 hanggang sa matapos, iisa lang ang pangako ni Pangulong RODRIGO ROA DUTERTE sa mamamayan – kaligtasan sa bawat komunidad laban sa mga kriminal ng lipunan.
Sa mga libro ng krimen sa buong bansa, iisa ang dahilan ng mga kriminal – la-ngo sila sa ILIGAL NA DROGA! Ito ang linya ng kampanya ni Pangulong Duterte na malayo sa kanyang mga kalaban noong nagdaang eleksyon. Ang kanyang mga kalaban ay pawang mga nakadisente ng suot, magarbo ang grupong rah-rah nila at, nagkalat ang mga sobre na may lamang pera.
Natapos ang eleksyon, 16.7-milyon na mga botante ang higit na naniwala at umasa kay KA DIGONG sa IISA NIYANG PANGAKO – LINISIN ANG BAWAT KANTO’T SULOK NG LAHAT NA KOMUNIDAD NA NAGKALAT ANG ILIGAL NA DROGA!
Nangyari, nangyayari at mangyayari pa ang mga patayan ngunit may kabuluhan. Kung noong nagdaan na administrasyon ay kasingdami ang napapatay sa ngayon, may malaking pagkakaiba.
Noon, ang mga napapatay o mga biktima ay pawa mga inosenteng sibilyan. Dama ang takot kahit saan na maaga pa pagsapit ng dilim ay nag-uuwian na ang mga tao dahil sa takot. Tanging mga may bisyo sa iligal na droga at kapwa nila kriminal ang karamihan sa lansangan na tila buwitreng naghihintay ng makakalawit.
Ngayon, totoo ang report ng PR ng Liberal Party na ipinaabot pa nila sa United Nations, sa gobyernong America, sa European Union na halos sabay-sabay ngayon tinutulad ang laman ng human rights abuse at extrajudicial killings daw na ibinigay sa kanila ng dilawang partido.
Eh, ano ngayon? Hayaan natin na mala-orkestra pa sila umawit ng liriko na katha ng partidong inutil ng nagdaang rehimen. Dinggin natin ang awit ng mga demonyo at balasubas ng lipunang Filipino.
May tono naman para sa kanila. Iyan ang tonong gustong-gusto ni Satanas!
Naniniwala tayo sa karapatang-pantao. Karapatan ng higit na maraming mamamayan na mabuhay ng mapayapa, tahimik at ligtas sa anomang banta ng krimen sa bansa.
Hayaang maubos ang mga kriminal na pinagbabago na ay ayaw pa rin nila.
KA DIGONG, DIRETSO KA LANG. Ituloy mo ang iyong pangako na linisin ang buong bansa sa pagkalat ng iligal na droga. Kasama mo kami sa paglipol ng masasama. Kasama mo kami sa iyong makabayang pakikibaka – KALAYAAN SA ANOMANG SUMISIRA SA ATING BANSA! BALETODO/ED VERZOLA
