Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

MATOBATO HINDI NA DAPAT IPINATAWAG SA SENADO

$
0
0

KABULASTUGAN lang ang butas-butas at hindi kapani-paniwalang pahayag ng star witness ni Senador Leila de Lima sa Senate committee on human rights and justice laban kay Pangulong Rodrigo Duterte na si Edgar Matobato kaya hindi na ito dapat ipatawag pa sa Senado.

Para kay PDP-Laban Policy Studies Group head and Membership Committee National Capitol Region Chairman Jose Antonio Goitia, ang mga unang pahayag pa lamang ni Matobato ay kaagad nawalan ng kredito sa sobrang dami ng sablay lalo sa mga impormasyon para idiin ang Pangulo.

“Para patunayan ang kanyang mga nalalaman, naglitanya siya ng mga kasi-nungalingan upang maikumpara ang ating Pangulo sa mga diktador sa kasaysa-yan tulad ni Pol Pot ng Cambodia,” ani Goitia, pangulo rin ng PDP Laban San Juan City Council.

Sa pagtatahi ng istorya, inilarawan ni Matobato si Duterte na basta na lamang pumapatay ng kapwa tao sa pamamagitan ng DDS kaya maituturing na halimaw na nilalapa pati ang mga simpleng nakaaway ng pamilya nito, lalo ng anak na si Paolo na pinaratangan pang isang durugista at nagpapatay rin dahil sa babae.

Ayon kay Goitia, ang mga panatikong kontra-Duterte lamang at ang mga gustong masaksihan ang pagbagsak ng ating Pangulo ang maniniwala sa testimonya ni Matobato na nag-uumapaw sa kasinungalingan, musika sa kanilang pandinig ang gusto nilang paniwalaan ng tao

Ngunit maging si Sen. Panfilo Lacson na miyembro ng Liberal Party ay kaagad nakita ang butas-butas na pahayag ni Matobato. Sabi nga ni Ping, walang anomang kredibilidad ang testigo ni De Lima.

Pati ang karibal sa pagkaalkalde ni Duterte noong 2010 na si dating House Speaker Prospero Nograles ay pinabulaanan ang testimonya ni Matobato na may apat na bodyguard itong ipinapatay ng Pangulo sa DDS ngunit natuklasang non-existent matapos iberipika kaya lumalabas na isang iskrip na masama ang pagkakasulat ang isinubo ng mga indibidwal o isang grupo kay Matobato para mapabagsak lamang si Duterte.

Nahuli rin ni Lacson na nagsisinungaling si Matobato nang sabihin niyang napatay ang negosyanteng si Richard King sa McDonald’s noong 2014 pero naganap ang krimen sa mismong opisina nito, ayon pa kay Goitia.

Malinaw rito na hindi titigil ang puwersang kontra-Duterte sa kanilang demolition job hangga’t hindi bumabagsak ang Pangulo.

Gusto rin nilang masaksihan na nabigo ang mga programa para sa reporma ni Duterte para iangat ang dignidad ng mahihirap at masugpo ang iligal na droga at kriminalidad sa ating bansa.

Pero para kay Goitia, sa kabila ng tuloy-tuloy na black propaganda laban sa Pangulo, hindi nawala ang suporta ng 16 milyong Filipino na bumoto para sa pagbabago sa halalan noong nakaraang Mayo dahil buo ang determinasyon ni Duterte na wakasan ang paglaganap ng iligal na droga sa kabila ng pagdududa ng oposisyon na kaya nitong tuparin ang mga ipinangako sa kampanya.

Kaya sa mga kasinungalingan ni Matobato, kumilos ang mga senador at inalis kay De Lima ang chairmanship ng ko miteng nagsisiyasat sa extrajudicial killings na hawak na ngayon ni Sen. Richard Gordon. KANTO’T SULOK/NATS TABOY


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Lagarto para colorear


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Love Quotes Tagalog


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>