Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

BISTEK PABAYA SA TUNGKULIN

$
0
0

SA report ng Market Development and Administration Department (MADAM) na pinamumunuan ni Noel Soliven, 28 sa 30 pribadong palengke sa Quezon City ay napakaraming paglabag sa iba’t ibang batas hinggil sa pagnenegosyo ng palengke.

Kabilang sa nilabag ay mga batas tungkol sa kalusugan ng publiko, sanitasyon, at kapaligiran.

Tiyak ako na hindi lang ito naganap nitong Biyernes, o nitong nakalipas na Linggo, kundi matagal na.

Nang madiskubre ito ni Alkalde Herbert “Bistek” Bautista, inanunsyo nito na ipasasara niya ang mga palengkeng hindi aayusin ang mga rekisitos sa pagnenegosyo at pamamahala ng palengke.

Aba, mukhang nambabraso si Bistek.

Bakit ngayon lang ganito katapang magsalita si Alkalde Bistek, samantalang matagal nang problema ito, ayon na rin sa pag-amin ni MADAM head Noel Soliven sa media?

Hindi kaya, mayroong mga dambuhalang kompanya na interesadong bilhin ang mga palengke upang magamit sa ibang layunin ang mga ito?

Ngayon, kung walang bibili, tapos nanatili ang operasyon ng mga palengke kahit patuloy ang paglabag nito sa maraming batas, ibig-sabihin ay mayroong bumulong kay Bistek tungkol sa kabalbalan ng 28 palengke, para pagkaperahan ang isyung ito.

Madali namang dayain ang report ng iba’t ibang ahensya, tutal hindi naman nag-iikot at nag-iinspeksyon si Bistek ng mga palengke simula nang maging alkalde ito noong Hunyo 30, 2010.

Marami talagang parte sa pamahalaang lokal sa Quezon City na ginagawang palabigasan ng mga opisyal, tama ba ako City Administrator Aldrin Cuna?

Sa pagkuha nga lamang ng building permit ay napakaraming dinaraanan, dahilan upang kumita ang mga magnanakaw na kawani at opisyal sa administrasyon ni Alkalde Herbert Bautista.

Tama ba ako, alyas “Warrior”?

Alkalde Bistek, maraming problema na hindi naaaksyunan nang tama at tapat, payo ko lamang po ay huwag ka namang magpabaya sa iyong tungkulin.

KAMPANYA KONTRA DROGA

SUNOD-SUNOD ang paglulunsad ng talakayan sa 188 barangay ng Caloocan City hinggil sa napakasamang epekto ng iligal na droga sa tao.

Magkatuwang sa proyektong ito ang administrasyon ni Mayor Oscar Malapitan at pulisya ng lungsod sa pamumuno ni S/Supt. Johnson Almazan.

Ayos, hindi lang patayan ang solusyon.

Mabuhay kayo, Mayor Malapitan at S/Supt. Almazan!

oOo
Problema at hinaing n’yo, itawag o i-text sa: 09985650271. BADILLA NGAYON/NELSON BADILLA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Best Papa jack Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>