Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

4M DRUGLORD, PUSHER, PROTEKTOR, INYO NA LAHAT

$
0
0

KAYONG mga nagmamahal sa mga sangkot sa droga at kung ganoon ay nagmamahal sa droga, may mungkahi ang ating Uzi sa inyo: Kunin na ninyo sila, dalhin ninyo sa inyong mga tahanan, simbahan at bansa at diyan na ninyo patirahin forever.

Ito’y para hindi na natin pag-uusapan ang idineklara ni Pangulong Rodrigo ‘Digong’ Duterte na giyera sa droga na sinasabi ninyong nagbubunga ng extrajudicial killings o patayan sa hanay ng mga sangkot sa droga o pagkamatay nila mismo sa paggamit ng droga.

4M SILA

Sa huling sarbey ukol sa mga sangkot sa droga, umaabot na pala lahat sila sa apat na milyon.

Sila ang pangunahing target ng Oplan Tokhang at Oplan Double Barrel na sinasabi ninyong lumilikha ng EJK.

Sa kanilang hanay rin nagaganap ang iba’t ibang anyo ng patayan dahil sa agawan sa kanilang teritoryo at pagsunog ng mga tulay upang hindi sila marating at matumbok ng Oplan Tokhang at Oplan Double Barrel.

Target sila para naman makahinga ang buong bayan mula sa kaguluhang nililikha nila.

Target sila upang hindi madamay ang 96 milyong Pinoy sa pinalalaganap nilang droga at mga krimen na kakambal nito.

Target sila upang hindi nila maipagpatuloy ang pagiging hari sa gobyerno at lipunan at maghasik ng lagim sa buong bansa.

SINO-SINO SILA?

Ang mga sangkot sa droga ay alam ng lahat.

Sila ang mga druglord, narco-politician, ninja cops, protektor ng droga, pusher, adik, etc. Mga dayuhan, mga Filipino, mga opisyal ng bayan, mga pulis, mga militar, mga mamamayan.

Pero wala sa utak ng mga ito ang pagbabago na ikabubuti ng lahat ngayon at bukas.

Kung may gusto man silang pagbabago, walang iba kundi ang pagiging masama nang masama ang buong bansa.

Pero kahit kailan ay hindi pahihintulutan ng may matinong pag-iisip ang mga ito.

HETO SILA SA DROGA

Nasa 70-80 porsyento ng mga kasong kriminal na naitatala sa mga bilangguan, barangay, munisipyo, lalawigan at buong bansa ang kanilang ginagawa.

Heto ang ilan nilang mga kaso: Rape na may pagpatay, pagnanakaw na may pagpatay, karnaping na may pagpatay, murder, homicide, disgrasya sa mga sasakyan, panununog, pambabato sa mga sasakyan, trip na basta pananaksak, pamamaril, pambubugbog.

Heto pa: massacre ng mga pamilya, suicide, pagpatay sa mga sariling anak at magulang, agaw cellphone na may pagpatay, pagnanakaw sa koleksyon/abuloy sa simbahan, holdap sa bus, jeepney, akyat-bahay, pambu-bully sa mga estudyante para pagkaperahan at marami pang iba.
hulidap, etc.

Heto pa: hulidap, pagtatanim ng ebidensya para mambangketa, pag-magic sa mga kaso para makalaya ang druglord at pusher at mapagkaperahan; pagpapalaya ng piskal at hukom ng mga druglord at pusher.

Paggamit sa posisyon sa gobyerno para magpakalat ng droga, paggamit ng human rights law bilang proteksyon, paggamit ng pondo ng gobyerno para sa korapsyon gaya ng paggawa sa mga pulis bilang badigard at pagnanakaw sa salaping-bayan.

KARAPATAN VS KARAPATAN

Kung naniniwala kayo na may karapatang-pantao ang mga sangkot sa droga, kasama na ang pagkalulong sa droga, pagpapakalat at pamemera sa droga, go ahead.

Kaya nga, sinasabi nating kunin na ninyo sila para ma-enjoy nila ang kanilang karapatang mabuhay nang malaya at naaayon sa gusto nila at ninyo.

Ngayon naman, karapatan at gusto ng nakararami, ng 96-milyong Filipino at mga dayuhang gustong magnegosyo at turistang bumibisita sa ating bansa ang maging malaya sa nakamamatay na kuko ng mga sangkot sa droga at nagmamahal at nagmamalasakit sa mga ito.

Karapatan ng 96-milyong Filipino ang hindi maging biktima ng mga krimen, pang-aabuso sa gobyerno at pagnanakaw sa salaping-bayan na gawa ng mga sangkot sa droga.

Sa katunayan, ramdam na ramdam na ng mga mamamayan sa kanilang mga tahanan, lansangan at barangay ang bunga ng kalayaan mula sa mga nakamamatay at nakasisirang kamay ng mga sangkot sa droga.

Kung sa paniniwala ninyo ay talagang higit na may karapatang mabuhay ang mga sangkot sa droga, pagbuksan ninyo sila sa inyong mga tahanan, simbahan at bansa at kupkupin na lang ninyo sila hanggang sa kanilang pagkamatay at pagpatay dahil sa droga.

INYO LAHAT

Para makumpleto ang pagkupkop ninyo sa mga sangkot sa droga, kayo na ang gagawa ng mga rehabilitation center, bilangguan, bumili ng mga gamot, magbigay ng mga doktor, magbigay ng trabaho at magpalibing at magdarasal para sa kanila sa oras na kunin na sila ni Lord.

Pero hindi kayo dapat kumuha ng salaping-bayan na dapat sana’y para sa mga nasasalanta ng mga kalamidad, pag-aaral at eskwelahan ng mga bata, gamot sa matatanda at maysakit, paglikha ng trabaho sa mga obrero, ayuda at pamimigay ng lupa sa mga magsasaka at mangingisda para sa produksyon ng pagkain at maayos na pasahod sa mga lingkod-bayan.

Ito’y upang magiging mapayapa at maunlad ang ating bayan.

O, kayong lahat na nag-iisip ng lahat ng paraan para sirain ang sinimulang pagbabago ni Pang. Digong laban sa droga at nagnanais na patalsikin sa puwesto o patayin siya, humayo na kayo para kupkupin at bigyang-buhay ang 4M sangkot sa droga.

KUNG AYAW N’YO TUMULONG KAYO

Kung ayaw naman ninyong kupkupin sa inyong tahanan, simbahan at bansa, aba, tumulong kayo sa pagsugpo sa droga sa halip na mangantiyaw o magkondena sa lipunan at pamahalaang lumalaban sa salot.

Hindi naman siguro kalabisan ‘pag sabihin natin na wala ni sinomang nagdaang administrasyon, maging ang mga simbahan at mga dayuhang naririto, ang seryosong naninindigan para sa kaligtasan ng taumbayan mula sa kuko ng droga.

At, damang-dama ngayon ito ng taumbayan. Mamasamain ba ninyo ang tumulong laban sa droga?

oOo
Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o i-text sa 09228403333. ULTIMATUM/BENNY ANTIPORDA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Mothers Day quotes tagalog


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Lagarto para colorear


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Best Papa jack Love Quotes


Love Quotes Tagalog



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>