Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

SINDIKATO SA LTFRB, HARI-HARI PA RIN

$
0
0

MUKHANG hirap ang mga ahensya ng pamahalaan na sangkot sa operasyon ng mga pampublikong sasakyan hindi lamang sa Metro Manila kundi sa buong bansa.

Ayaw nating tawagin na inutil ang mga sangay ng Department of Transportation katulad ng Land Transportation and Franchising Regulatory Board at Land Transportation Office kasama ang PNP Highway Patrol Group at Metro Manila Development Authority.

Bagaman nagpaskil ang LTFRB ng mga larawan ng mga kilalang fixer o “tagaayos” ng mga dokumento at prangkisa sa kanilang ahensya, wala pa ring pagbabago halos ang lakad ng mga sindikato ng trasportasyon.

Mala-inutil naman ang LTO dahil sa kakulangan ng kanilang mga tauhan na dapat humuli sa mga iligalista.

Noong panahon ni PGMA, 4-5 libo lang ang tumatakbo na kolorum na bus sa Metro Manila.

Pag-upo ng rehimeng Aquino ay lumobo ito sa 9 na libo! Magtataka ba tayo kung bakit lalong sumikip ang EDSA at Commonwealth Avenues?
Isang libo kada bus kada linggo ang butaw ng mga operators sa sindikato?

Iba pa ‘yung P200 araw-araw na ibinabagsak sa Guadalupe.

Ang sindikato ay may “blue book” na naglalaman ng mga pangalan ng lingguhan at buwanan na payola. Hindi nakapagtataka na kaya nilang magpaalis sa puwesto ng matitinong opisyal mula sa mga nabanggit na ahensiya.

Naalala ko noon ang napakatino na opisyal ng HPG, tinapatan ng P5 milyon, naipatapon siya sa Visaya. Ganyan sila katindi!

Maliban sa mga kolorum na buses, patuloy din ang paghahari ng mga AUV Vans na ang prangkisa ay “point-to-point” o “garage-to-terminal” sa mga pangunahin na lansangan sa Metro Manila man o buong kapuluan.

Nakasaad kasi sa prangkisa ng mga ito pero bakit nila nagagawa na tila jeepney ang biyahe? Ibig-sabihin, sa halip na garage-to-terminal lamang ang mga ito, baba at sakay ang biyahe nila kahit saang bahagi ng lansangan.

Bawal at iligal ito!

Kaya lang, Malaki din umano ang butaw nila kasama ang matinding pakikialam ng mga lider ng transport groups! Punyeta naman.

Lantaran ang pambabastos ng transports groups at organizations sa mga batas sa kalsada.

Nagagwa nila ang gusto nila na taliwas sa tama at dapat na sunding batas sa lansangan.

Noong tinanong natin si LTO Asec EGAY GALVANTE, inamin nito na kulang sila sa mga tauhan para sa kanilang “FLYONG SQUAD” na dapat magdisiplina sa lahat ng motorista.

Ganyan din ang katwiran ng LTFRB sa atin habang ang MMDA ay tila mga bali ang pakpak sa pamamahala.

Kaya naman, kahit anong plano pa ang gawin ng Department of Transportation, hanggang plano na lang ito dahil HARI PA RIN ANG SINDIKATO SA TRANSPORTASYON! BALETODO/ED VERZOLA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Inggit Quotes and Kabit Quotes – Tagalog Patama Quotes


Love Quotes Tagalog


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog Broken Heart Quotes


Re: lwIP PIC32 port - new title : CycloneTCP a new open source stack for...


Vimeo 3.19.0 by Vimeo Inc


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.5.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.


PreSonus FireBox - handly interfaccia


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Top 10 Best Tagalog Friendship Quotes and Sayings | mrbolero


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 11.5.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>