Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

DUTERTE KILALA SA MUNDO NA PINUNONG MAY PRINSIPYO

$
0
0

KILALANG-KILALA ngayon sa buong mundo si Pangulong Rodrigo Duterte dahil na rin sa pagkakaroon nito ng prinsipyo na hindi kayang baguhin kahit na ng sinomang namumuno sa iba’t ibang bansa.

Bagama’t may mga pumupuna sa ginagawang ito ni Duterte ay umani naman ito ng suporta sa marami dahil bibihira sa isang pinuno ang magkaroon ng prinsipyo at handang ipaglaban ang kanyang kagustuhan dahil ang makikinabang dito ay ang buong mamamayan.

Kung noon ay sunud-sunuran lamang ang Pilipinas sa mga sinasabi ng ibang bansa, ngayon ay iba na ang sitwasyon dahil kapag alam ni Duterte na tama ang kanyang prinsipyo ay paninindigan niya ito nang todo.

May ilan pa nga tayong nababasa sa social media mula sa mga banyaga na nagbibiro na kung puwede daw nilang hiramin si Duterte para ito naman ang mamuno sa kanilang bansa dahil ang prinsipyo nito ang kanilang kailangan.

Ilang beses na ring naging cover page si Tatay Digong sa ilang international magazine dahil na rin sa prinsipyo at paninindigan nito na hindi kayang baguhin ng kahit na sinong nilalang na nabubuhay sa mundo.

Unang nakilala si Duterte noong alkalde pa lamang ito ng Davao City dahil na rin sa mahigpit nitong pamamalakad sa kanyang pinamamahalaang lungsod hanggang makilala ang kanilang lugar bilang isa sa mga siyudad na ligtas ang mga tao.

Dahil sa ganitong pamamaraan ni Tatay Digong sa pamamahala ay nakilala ang Davao City na noon ay halos ‘di nababanggit sa mga balita hanggang sa kumandidato itong Pangulo ng bansa noong May 2016 eleksyon at pinalad namang nanalo.

Tunay na pagbabago ang hangad ni Duterte sa Pilipinas at ito ay sinimulan niya noong maupo sa puwesto bilang Pangulo ng bansa at ngayon nga ay patuloy ang ginagawa nitong paglaban sa droga kahit na tamaan pa ang mga kilalang tao sa gobyerno.

Matagal na kasing problema sa Pilipinas ang pagkalat ng iligal na droga kaya’t noong naging Pangulo na ng bansa si Duterte ay todo ang suportang ibinigay rito ng mga Filipino dahil karamihan sa mga Pinoy ay gusto na ng pagbabago sa paraan ng pamamahala.

Sa katauhan ni Tatay Digong nakita ng marami ang kanilang hinahanap sa isang Pangulo at ito ay ang pagkakaroon ng prinsipyo at paninindigan at ito rin ang nakikita ng mga banyaga na ang hangad din ay ang pagbabago sa kanilang bansa. ALINGAWNGAW/ALVIN FELICIANO


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Tagalog Quotes – Inggitera Quotes and manloloko quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Top 10 Best “Single” Tagalog Love Quotes


Vimeo 3.17.0 by Vimeo Inc


Lagarto para colorear


Vimeo 3.21.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.8.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tropa Quotes


INUMAN QUOTES


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.18.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.20.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>