HABANG abala ang kapulisan ng Philippine National Police (PNP) sa pagtugis sa mga hinihinalang drug pusher at drug addict ay patuloy naman na sinasamantala ng mga gambling operator ang pagdami ng iba’t ibang iligal na pasugalan sa Region 1.
Halos buong bayan daw ng lalawigan ng Pangasinan ay wala kang makikita kundi ang mga puwesto pijo ng mga color game na kung saan ay kinawiwilihan ng mga bata at kabataan sa lalawigan.
Kabilang sa mga makikitang sugalan ay itong pwesto pihong color games ni Eng. Flores alyas Bagsak sa Mangaldan, Ema Ibasan sa Calasiao, Jayson sa Urdaneta at Verna naman sa Bugallon.
Pero ang pinagtatakhan ko ay kung bakit hindi kumikilos ang mga kapulisan ng nasabing lalawigan.
Ang masakit dito, sa kabila ng mga reklamo ng mga Pangasinense ay patuloy naman daw na nangongolekta ng lingguhang intelihensiya ang isang dating pulis na si alyas Aquino sa nasabing mga iligal na pasugalan sa nasabing lalawigan.
Paging Pangasinan Provincial Director Supt. Ronald Lee, kilala ba ninyo itong dating pulis na si Aquino dahil ang pangalan ninyo ang ginagamit ng mamang ito.
NAGPAPAKILALANG TONG-COLLECTOR NG CIDG
Sino ba itong isang Memeng Macatae at Jun Alvarado na patuloy na nagpapakilalang tong-collector umano siya ni Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) chief Gen. Roel Obosan sa mga iligal na pasugalan sa buong bansa?
Wala umanong ginawa ito kundi ang manghalibas ng mga sugalan at iba pang mga kailigalan.
Si Macasaet na isang sibilyan na kilala pagdating sa pangongotong sa mga iligal na pasugalan nang matagal ng panahon ay kanyang binu-buly, maging ang sinomang mga bagong police official na malalagay sa juicy post gaya ng sa CIDG.
Alam ba ninyo ito, Gen. Obosan?
Kung hindi, aba’y kumilos kayo, baka maubusan kayo. Hehehe.
oOo
Anomang puna o reklamo i-text sa 09182974764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA
