Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

PASABOG NI SEBASTIAN ILABAS NA KUNG TOTOO

$
0
0

AYON kay Atty. Eduardo Amba, abogado ni Jaybee Sebastian, mala-yong mas malalaking pasabog ang ilalabas ng huli ukol sa droga kumpara sa mga pagbubunyag ng iba na naganap sa Kamara.

Pero humirit umano si Sebastian na tanging kay Pangulong Rodrigo ‘Digong’ Duterte lang siya magsusumbong.

Ngayong tinanggihan siya ni Pang. Digong, itutuloy pa ba niya ang malalaking pagpapasabog sa droga?

KAY AGUIRRE

Sabi naman ni Aguirre, siya na lang ang haharap sa anomang paha-yag ni Sebastian ngunit sa pamamagitan ni Atty. Amba.

Paliwanag ni Aguirre, sa piskal dapat nagbigay ng sinumpaang salaysay ang druglord.

Kung totoo ang sinasabi ni Atty. Amba na may malalaking pasabog, hindi kaya kasama si atorni sa may pananagutan upang lalabas ang buong katotohanan ukol sa mga kontrobersya na kinasasangkutan ni Sebastian?

Sa may pananagutan upang lalabas talaga ang buong katotohanan ukol sa mga kontrobersiya na kinasasangkutan ni Sebastian?

MILYONES NI DE LIMA

Sentro ng kontrobersya na kinasasangkutan ni Sebastian ang papel nitong siya ang pangunahing druglord sa Bilibid na nag-ipon ng malalaking halaga umano para kay De Lima para sa campaign funds nito sa nakaraang halalan at ang milyon-milyon o daang milyong naipon at naibigay ni Sebastian ang isang dahilan upang manalo bilang senador si De Lima.

Matapos kasi umanong kalusin si Herbert Colanggo bilang hari ng mga druglord sa Bilibid, mga Bro, si Sebastian na ang umastang king of druglords. At nagsimula ito, lalo na nang mailipat sa National Bureau of Immigration ang tinatawag na Bilibid 19 ng kung ilang buwan.

At nagpatuloy ang paghahari ni Sebastian hanggang sa dumating ang administrasyong Duterte na nagpabago na sa kalagayan sa Bilibid.

LIBRE SA KASO

Inggit si Sebastian ngayon sa ibang mga druglord na maaaring mabigyan ng proteksyon ng gobyerno bilang state witness sa kaso ni De Lima, sakaling makaabot ito sa hukuman.

Saan mo mang tingnan, gusto nitong maging state witness upang malibre siya sa kaso sa droga na nauugnay kay De Lima.

‘Yun bang === maaaring hindi niya matatakasan ang pagiging convict nito sa mga kasong nagdala sa kanya sa Bilibid.

Pero maaaring malibre siya sa dagdag na kaso sa droga na likha ng pagkakasangkot nito kay De Lima na sinasabi ng bosing ng Genuine Ilokano na ilang beses ding bumisita sa kubol ni Sebastian para magpalipas lang ng 2-3 oras para sa very exclusive nilang pag-uusap.

ASSET

Asset ko ‘yan, siya ang tagabigay ng impormasyon ukol sa droga sa Bilibid, paliwanag ni De Lima.

Hindi man sinasabi ni De Lima, ito ba ang pinakadahilan nito para hindi isama sa Bilibid 19 noon si Sebastian sa NBI?

Ipagpapalagay ngang asset si Sebastian ni De Lima, nangangahulugan na talagang mas marami at mas malalaki ang alam nito ukol sa droga at mga nasasangkot sa droga kumpara sa iba.

Kasama ba ang posibilidad na may mas mataas pa kay De Lima na sangkot sa droga at mas malaking salapi sa droga na ginamit sa halalan?

MAGSALITA NA

Payo natin kay Sebastian, dapat na itong magsalita. Kasi naman, ibinuking na siya mismo ni De Lima na pinaghuhudas niya ang ibang mga druglord.

Sabay sobrang galit nito nang malamang nasaksak pala ito. Kapag babalik pa si Sebastian sa Bilibid, malamang hahantingin na siya ng kanyang mga hinudas.

At dahil mismong sa bibig ng kanyang abogado nanggaling na may malalaki siyang ibubulgar, ‘yung mga taong inaasahang malilista sa druglist nito ay tiyak na mag-iinteres din sa kanyang buhay.

Kahit papaano, kung magsasalita si Sebastian, maraming katotohanan ang tatambad sa li-punan at magmumula rito ang iba pang mga hakbang upang mapalakol ang napakalaking puno ng droga na ang ugat, bunga at sanga ay nakaabot na sa buong bansa

PAWANG TOTOO

Hindi dapat haluan ng kasinungalingan ang pahayag ni Sebastian.

‘Yun bang === may ililihim siyang mga pangalan at pili lang ang kanyang itutuga.

Dapat buo, walang bahid ng kasinungalingan upang mapanagot ang dapat na managot at madurog sa ugat ang malaking bahagi ng salot na bumiktima na ng halos apat na milyong mamamayan.

Dapat isama na rin niya ang mga pulis at opisyal ng barangay na naging tauhan niya sa kanyang mga pinanggalingang mga lugar.

Baka magpasalamat pa sa kanya ang kanyang mga kababayan at kabaranggay sa kanyang paglalabas ng buong katotohanan.

oOo
Anomang reaksyon o reklamo ay maaaring iparating sa 09228403333 o i-email sa bantiporda@ yahoo.com. ULTIMATUM/BENNY ANTIPORDA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Patama Quotes at Selos Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Inspirational Love Quotes Collection


Inggit Quotes and Taray Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Tagalog God Quotes to inspire you


Best Papa jack Love Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>