Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

KULANG LANG SA PALIWANAG

$
0
0

HINDI gaanong naipaliwanag nang mabuti sa media ni Presidential Communications Office (PCO) Sec. Martin Andanar ang gustong ipakahulugan ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa pagkumpara nito sa sarili kay Nazi leader Adolf Hitler kaya inulan ng katakot-takot na mga komento at batikos ang Pangulong Duterte.

Kung naipaliwanag na sana ng mabuti ni Andanar ang tunay na gustong ipakahulugan ng Presidente tungkol sa ginawang pag-massacre ng Nazi leader na si Hitler ay hindi na sanang lumaki ang nasabing isyu.

Ang gusto lang talagang ipabatid ni Duterte sa kanyang mga sinabi ay ang kanyang posibleng estratehiya niya kung ano ang kanyang gagawin sa kanyang kampanya laban sa iligal na droga sa ating bansa.

Kung maalala ninyo, sinabi ng Pangulo na masaya siyang papatay ng tatlong milyong mga drug addict sa bansa para ipakita niya sa buong bansa na seryoso ang gobyerno sa pagsugpo sa talamak na iligal na droga sa bansa.

Hindi naipaliwanag nang mabuti ni Andanar sa publiko ang gustong ipakahulugan ni Duterte kaugnay sa malaking kaibahan sa giyera ni Hitler sa giyera ni Duterte.

Ang giyera ni Hitler ay giyera na pagpatay sa inosenteng mga Jew o Hudyo at ang giyera naman ni Pang. Duterte ay giyera laban sa mga drug pusher, drug addict at druglord na nambibiktima sa mga inosenteng mamamayan.

Siguro kaya hindi gaanong naipaliwanag nang mabuti ni Andanar ang gustong ipakahulugan ng Pangulo dahil siguro na rin sa kakulangan pa ng kanyang kaalaman sa bagong trabaho nito.

Gayunman, hindi pa naman huli dahil kilala natin itong si Sec. Andanar na isang magaling na tao kaya alam natin na sa darating na panahon ay masasanay na rin siya dahil sa bandang huli ay kailanganin pa rin niya ang mga ayuda ng mga eksperto.

MGA COP HINDI PA RIN KUMIKILOS

PATULOY pa rin ang operasyon ng bookies ng lotteng nitong sina Mang Jimmy at Armalite sa 1st District ng lalawigan gaya ng Balayan, Tui, Nasugbu at Lian dahil hanggang ngayon ay nakatunganga pa rin ang mga hepe rito.

Natutulog pa rin sa pansitan itong sina Balayan COP Tinyente Catherine Ramos, Tui Cop Capt. Eddie Caraig, Nasugpu Cop Maj. Diane del Rosario, Lian Cop Capt. Joel Españo sa kabila ng ibinulgar na natin ito kamakailan lang.

Wala pa rin aksyon ang mga opisyales na ito.

***
Anomang puna o reklamo i-text s 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Mothers Day quotes tagalog


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Lagarto para colorear


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Best Papa jack Love Quotes


Love Quotes Tagalog



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>