Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

PERGALAN, PATUPADA SA MAYNILA

$
0
0

TINATAWAGANG-PANSIN natin si Philippine National Police chief Director-General Ronald “Bato” dela Rosa!

Walang-patawad ang ilang illegal gambling operator sa Maynila at sa paligid pa ng Quiapo Church rumaraket partikular na itong mga perya-peryahan ngunit ang totoo’y sugalan ang mga ito.

Nakasasawa nang patulan itong mga “pergalan” ngunit isang pari ng Minor Basilica of the Black Nazarene ang nagpaabot ng kanyang pag-aalala sa paglaganap ng mga ito.

Imposible walang kaalam-alam ang mga opisyal ng Manila Police District sa “color games” diyan sa Quezon Blvd. malapit sa Quiapo Church; malapit sa Recto Ave. katabi Andok’s; at sa Ilaya, Divisoria. Ang nakaiinis, ayon kay Father, tinatambayan pa ‘yan ng ilang pulis, traffic aide at mga barangay tanod.

Naiparating din sa akin ang lingguhang pagpapatupada sa Onyx kanto ng Zobel Roxas St., San Andres Bukid at paggamit ng mga patay sa pagpapasugal sa lugar lalo’t designated alternative routes ang mga kalyeng ‘yan!

Garapal ang pergalan at patupada riyan sa Maynila, General!!!

ZARZUELA SA SENADO, SEX HORROR SA KAMARA

PATULOY ang komedya sa Senado ngunit, kung ito ma’y zarzuela o vaudeville, hindi na ito nakatatawa bagkus nakadidismaya na.

Nagmumukhang kangaroo court na ang Mataas na Kapulungan na naglilitis in absentia kay President Duterte na kunwari’y investigation in aid of legislation.

Fishing of evidence na lamang ang nangyayari!

Nahalintulad ito sa isinagawang marathon probe laban sa dating-Bise Presidente Jojo Binay kung saan inungkat ang nakalipas na administrasyon niya sa Makati.

Hangga kailan magpapatuloy itong pag-aaksaya ng oras at pondong pampubliko sa pakulong ito sa Senado?

Kalungkot-lungkot at sa pamamayapa ng isang magiting na mambabatas na si Senator Miriam Defensor Santiago, kabulastugan pa rin ang matutunghayan natin sa Senado.

Sana’y maisip nitong si Sen. Leila de Lima na sandamukal ang problema ng bansa na pagtuunan ng pagsasabatas.

***

HINIHILING ko rin na iwaksi ang pamumulitika sa isinasagawang imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa isyu ng paglaganap ng iligal na droga.

Huwag na pong haluan ng malawaswang pamumulitika ‘yang inquiry in aid of legislation. Wala pong kinalaman ang porn-horror video sa drug trafficking sa New Bilibid Prisons sa Muntinlupa.

Walang kasiyahan o kabutihan na maidudulot sa publiko ang pagpapalabas ng karumal-dumal na panoorin. Pwe!!!

***
Welcome po ang inyong mga reaksiyon, opinyon at reklamo. I-email lamang po sa etulfo2011@yahoo.com o bisitahin n’yo kami sa Erwin Tulfo Action Center sa 2nd Floor, Quedsa Plaza, Quezon Ave. cor. EDSA, Quezon City, 9am-4pm Monday-Friday. DEADSHOT/ERWIN TULFO


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Tagalog Quotes – Inggitera Quotes and manloloko quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Top 10 Best “Single” Tagalog Love Quotes


Lagarto para colorear


Vimeo 3.19.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.21.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.8.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tropa Quotes


INUMAN QUOTES


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.18.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.20.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 3.17.0 by Vimeo Inc


Love Quotes Tagalog



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>