Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

PARLOR SA QC FRONT NG FIXER

$
0
0

HINDI lang isa, kundi dalawang affidavit, ang isinumite sa amin sa Lawyers for Commuters Safety and Protection.

Humihingi ng tulong ang mga biktima na ang reklamo ay tungkol sa mga fixer na gumagamit sa pangalan ng LTFRB sa paggawa ng iligal.

Ang lakas ng loob ng mga fixer na ito dahil ang kanilang sinasabing opisina na ginagamit sa paggawa ng kawalanghiyaan ay nasa gilid lang daw mismo ng LTFRB office at isang beauty parlor na ang pangalan ay “Myrn.”

Gumawa na ako ng sulat kay LTFRB Chairman Delgra para i-report ang mga fixer na ito at para mapuntahan na ng tropa ng LTFRB.

Ang modus ng fixer ay nangangako ng prangkisa sa mga biktima at nanghihingi ng malaking halaga ng pera.

Naengganyo raw na kumuha ng hulugan na van si Dariel Media Japon at kapatid na Dimple at ang mag-asawang Jimmy at Jonalyn Agmata dahil sa pangako na mabibigyan sila ng prangkisa para maibiyahe na pampasahero ang kanilang mga van.

Ang nanloko sa kanila ay si Franquilino B. Nepio, na nagpakilalang presidente ng MVFAODC Transport Inc. (Valenzuela exit – Trinoma) at ang ipinangako sa kanila ay sa oras na mabayaran daw ang fees ay makakapag-o-operate na sila ng UV business na hindi na aalalahanin ang LTFRB, ang HPG at maging ang MMDA.

Ayon sa salaysay ng magkapatid na Japon, ang mga halagang binigay nila kay Nepio at Myrna Espital ay P55,000, P50,000, P150,000, at P10,000.

Ang tagatanggap ng pera para kay Nepio ay si Espital nga na sinasabing may-ari ng parlor sa QC, ang kanyang buong pangalan sabi ng mga biktima ay Myrna Tria Vargas Espital.

Sa kaso ng mag-asawang Agmata ang mga ibinayad nila kina Nepio at Espital ay P40,000, P20,000, P3,800, P10,000, P20,000, P30,000, at P100,000.

Sa ngayon, hindi naman nagbibiyahe ang mga van ng mga biktima dahil nabatid nila na ang hinintay nilang prangkisa kuno na ipinangako ni Nepio at Espital ay nauwi sa Provisionary Authority na peke.

Dumulog ang mga biktima sa amin sa Lawyers for Commuters Safety and Protection. SIBOL/ATTY. ARIEL ENRILE-INTON


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Best Papa jack Love Quotes


Love Quotes Tagalog


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Lagarto para colorear


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Mothers Day quotes tagalog


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>