Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

DAGDAG-BUWIS SA SASAKYAN

$
0
0

UY, ano na namang masamang balita itong narinig ko na madaragdagan na naman daw ng buwis ang mga sasakyan na siyang magiging dahilan ng pagtaas ng presyo ng mga sasakyan.

Tinalakay kasi sa press conference ng majority bloc kamakailan sa pangunguna ni Quirino Rep. Dakila Carlo Cua ang dagdag na excise tax sa mga sasakyan na kabilang sa mga tax reform package na isinumite ng Department of Finance sa Kamara (nagturuan na). Hehehe.

Nakapaloob daw sa panukala na kung ang net price ng manufacturer o selling price ng importer ay P600,000 ay limang porsyento ang magiging excise tax nito at kung P600,000 – P1.1-milyon naman ang presyo ng manufacturer’s price o importer’s selling price, 20 percent naman ang magiging excise tax nito.

Sumatutal, aakyat sa 40 percent ang excise tax ng sasakyan kung ang presyo nito ay nasa pagitan ng P1.1-milyon – P2.1-milyon at kung ang presyo naman ng sasakyan ay mahigit sa P2.1-milyon, ang excise tax nito ay nasa 60 percent ng kabuuang halaga.

Aba’y, biruin ninyo ang sabi nitong si mambubutas, este… mambabatas Cong. Cua, ang pagtataas daw na ito ng excise tax ay isang paraan para mabawasan ang mga tumatakbong sasakyan sa kalsada at mawawala na rin umano ang pagsisikip ng daloy ng trapiko.

Paano ninyo nasiguro na mababawasan ang mga sasakyan sa kalsada? Aber paki-explain nyo nga…? Bakit hindi ninyo na lang talakayin kung ang pinoproblema rin lang ninyo ay ang pagsisikip ng daloy ng trapiko sa mga kalsada, e simple lang po ‘yan!

Bakit hindi ninyo ipatupad ang “zero buses at no terminal” sa mga pangunahing kalsada, gaya ng EDSA?

ISA-ISA NANG NAGSULPUTAN ANG PERYAHAN SA N.E.

Dahil sa nalalapit na po ang simoy ng kapaskuhan ay isa-isa na namang na nagsusulputan ang mga pasaway na mga peryante sa Cabanatuan City, Nueva Ecija.

Kabilang sa mga peryanteng ito sina Evelyn S., Linda, Emily, Toyang at Nelma Berong na halos sa buong Cabanatuan nagkukumpulan ang mga ito.

E, tatamad-tamad kasi si Cabanatuan City, Chief-of-Police Supt. Ponciano Zafra, dahil wala siyang ginagawa siguro kundi ang “tumongpats” sa lahat ng mga peryahan sa nasasakupan niya.

oOo
Anomang puna o reklamo i-text sa 09189274764,09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


PreSonus FireBox - handly interfaz de


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


5 Tagalog Relationship Rules


Re: lwIP PIC32 port - new title : CycloneTCP a new open source stack for...


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.5.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>