Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

PUWESTO PIJO NA COLOR GAME SA CALABARZON, DUMARAMI NA

$
0
0

HABANG nalalapit na ang pagselebreyt ng Kapaskuhan sa buong mundo ay sinasamantala naman ng mga iligalista na isa-isang ilatag ang mga peryahan ng mga ito na front ng mga iligal na pasugalan sa buong ka-timugang bahagi ng Luzon.

Simulan natin sa bahagi ng lalawigan ng Rizal.

Sa bukana pa lang ng Taytay sa may Floodway ay mabubungaran mo ang puwesto pijo na color game na minamantine ng mag-amang Arnold Bigote at ang erpat nitong si alyas Rambol.

Halos magdamagan na nakabukas ang pwesto pijo na color game ng mag-amang ito sa Floodway at hindi sila hinuhuli dahil malakas sila sa kapulisan ng Taytay.

Samantala, hindi rin naman magpapatalo sa kanyang puwesto pijo na color game itong si Allan Toyang na kung saan ay ilang metro lang po ang layo ng munisipyo ng Angono, Rizal. Laging dinaraanan ni Angono Mayor Gerry Calderon ito pero dinededman lang niya (magkano kaya ang…) He-ehe-ehe!

Sa Balibago, Sta. Rosa, Laguna naman ay grabe ang puwesto pijo ng color game nitong sina Romel at Agnes. Ultimo mga bata ay nawiwiling magsugal ng color game dahil ito ay kinukunsinti ni Sta. Rosa chief of police Supt. Giovani Martinez (magkano?)

Sa Cavite naman ay malakasan din ang puwesto pijo ng color games ni Jason sa likuran ng Jollibee ng GMA, Cavite at sa Dasmariñas naman ay makikita ninyo ang puwesto pijo ng color game rin ni Jessica.

Grabe itong si Region 4-A RD Gen. Valfrie Tabian. Halos bunbunan na lamang yata nito ang hindi pinaglalatagan ng mga color game na front ng iligal na pasugalan ng mga iligalista.

Matanong ko lang: Malaki ba ang kita sa mga pasugalang ito, Heneral Tabian? Hehehe, hindi ko sinasabing kayo ang kumikita, heneral.

Bukod lang kung umamin kayo o inguso kayo ng inyong mga tauhan na busog na busog sa mga iligal na pasugalan. Bukol ba kayo?

UNTOUCHABLE NA VK DAHIL KAY MAJOR AT MAYOR

Sangkatutak na naman ang mga video-karera nitong si alyas Nognog sa buong Caloocan City palibhasa kinukunsinti raw ito ng kanyang bayaw na si Maj. Mendoza ng Station Investigation Bureau (SIB) chief. Kaya naman namamayagpag ang ugok na ito.

Malakas daw itong si Maj. Mendoza kay Caloocan Mayor Oca Malapitan kaya may posibilidad na maging untouchable ang mga VK nitong si Nognog sa nasabing lungsod.

oOo
Anomang puna o reklamo, i-text sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Girasoles para colorear


mayabang Quotes, Torpe Quotes, tanga Quotes


Tagalog Quotes About Crush – Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog Quotes To Move on and More Love Love Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Crush Tagalog Quotes And Sayings 2017


Re:Mutton Pies (lleechef)


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog Long Distance Relationship Love Quotes


BARKADA TAGALOG QUOTES


“BAHAY KUBO HUGOT”


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>